Epilogue

1.3K 46 7
                                    




Napangiti ako ng malungkot.



"Why are you sad?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko siya.


Nakita ko si Nerd.


"Nalungkot lang ako nung maalala ko na muntikan ka ng-"


"Shhh.. It wouldn't happen. Ginawa ko ang lahat para lumaban dahil gusto ko na makita at makasama pa kita ng matagal." putol sa 'kin ni Nerd. Pinagmasdan ko si Nerd at bigla ko nalang naalala nung una naming pagkikita.



Nung seatmate kami.



Di ko mapigilan ang yakapin siya. Noon lang seatmate ko lang siya na Nerd pero ngayon siya na ang mahal ko na Nerd.



"Salamat at di mo ako iniwan, Nerd. Salamat at di mo ako tinigilang mahalin. Maraming salamat at binalikan mo 'ko." sabi ko sa kanya. Niyakap ako ng mahigpit ni Nerd at hinalikan ang ulo ko.



"I'm thankful also because like me, you don't stop loving me. I love you, Franzine." sagot ni Nerd. Tiningala ko siya at nakangiti niya akong tiningnan. Hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahan niyang inilapit ito sa mukha niya....




1 year later...



"You may now kiss the bride." sabi ng pari. Kinuha ni Nerd ang belo na nakatakip sa mukha ko at saka hinawakan niya ang mukha ko.



"You're the most beautiful girl I have ever seen in my whole life, Franzine." sabi ni Nerd. Napangiti naman ako sa sinabi niya.



Di ko aakalain na dito pala kami hahantong ni Nerd.



"I love you, my ex-Gangster Princess." nakangiting sabi ni Nerd.


"I love you too, my ex-Campus Nerd." nakangiti ko ring sagot sa kanya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko ang labi niya kasabay dun ang pagtulo ng luha ko.



Ito na siguro ang kapalit sa lahat na masamang nangyari sa buhay ko, ang makasal ka sa harap ng diyos sa taong mahal mo at nagsumpaan na mamahalin ang isa't-isa hanggang huli.



"Woooooo!"


"Mabuhay ang bagong kasal!"



"Welcome to the Guillar Family, Prince!"



Bumitaw na kami ni Nerd at natatawang tumingin kay Ate ng sumigaw siya. Masaya kong pinagmamasdan ang mga taong nandito.



Sobrang saya ko, umaabot sa punto na hindi ko ito maipaliwanag.



Naglakad kami palabas ni Nerd habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa gilid ng may narinig akong nagsalita. Nagulat ako ng makita muli 'yung tatlong babae na nakita ko noon sa Mindanao nung nakasabayan namin lagi.



"Omo! Look girls, diba si kalokalike Park Chanyeol 'yun? He's married na."


"Waaah! Ang sabi ni Kuya Pogi noon, asawa na niya 'yung babae? Ba't ngayon pa sila nagpakasal?"



"Huhuhu! Mahal talaga ni Kuya Pogi si Girl. They look good together naman e kaya di na sayang. I hope magkaroon sila ng boy na anak na kamukha ni Kuya Pogi mukang pwede pa natin 'yun makuha."



Crossing PathsWhere stories live. Discover now