VIII. NO

756 35 6
                                    









Franzine Guillar




Isang buwan. Isang buwan ng nakalipas simula nung kumain kami ni Nerd sa Italian Restaurant. Pagkatapos nun ay parang wala lang nangyari di naman niya pinatanggal si Carlo at back to normal na ang lahat. Teka? Kung makasabi naman ako parang may nagbago eh wala naman. Ganun parin siya at si Vanessa? Di ko na siya nakita pang muli. Di rin siya pumupunta sa companya para bisitahin ang boyfriend niya. Medyo busy narin ang companya dahil may ita-tame kaming ibang investors para maging ka partnership namin sa companya.





"Kainin mo na nga yang balot. Baka mahulog pa yan sa dagat eh." napatingin ako kay Carlo ng bigla siyang nagsalita.




Nandito kami ngayon sa seaside. Hinihintay namin ang paglubog ng araw habang kumakain ng balot. Nakasanayan narin naming kumain ng ganito tuwing pumupunta kami dito.




"Ito na nga oh!" sabi ko sabay irap sa kanya. Sinimulan ko naman ang pagkain ng balot.



Di lang naman kami ang nandito may mangilan-ngilang tao rin ang nandito at naghihintay sa paglubog ng araw. Kami lang ata ang iba ni Carlo dito dahil ang iba kasi ay mag-jowa.





"Naiingit ka ba sa kanila? Gusto mo rin bang mag-jowa na tayo?" sabi ni Carlo. Sinamaan ko siya ng tingin. Feeling niya! Kahit kailan ay di ako maiingit na magka jowa.




"Kadiri mo Caloy!" sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang pang-asar niyang tawa. Nakakainis!




Napatingin kami sa araw ng malapit na itong lumubog. Ito na talaga lulubog na siya—



Napatalon ako sa gulat ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Napatingin pa sakin si Carlo pero binalik naman kaagad ang tingin sa palubog na araw. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at laking gulat ko ng makita ko sa screen ang pangalan ni Nerd—I mean ni Mr. Greffin.



Wala naman akong trabaho ngayon dahil sabi niya kahapon may day-off ako ngayon. Bakit kaya siya napatawag sakin?



"Hello. Good morning Mr. Greffin." bungad ko sa kanya.




"[Where are you?]" tanong niya. Napatingin ako kay Carlo ng bigla niya akong pinisil sa braso at itinuro ang araw na malapit na talagang mawala. Tumango ako sa kanya at sinenyasan sa kamay ko ng 'wait lang'.



Bumaba ako sa cemento at lumayo ng konti kay Carlo bago ko sinagot ang tanong ni Mr. Greffin. Kaya ako lumayo baka kasi sisingit na naman ang lalaking iyun at patay na naman ako nito!




"Nasa seaside po. Bakit?" sabi ko.



"[With who?]" tanong ulit niya. Bakit naman niya napatanong?




"Kasama ko po si Carlo ngayon—"



"[Come here at the company. May ipapagawa ako sayo.]" putol niya sakin. Teka? Diba day-off ko ngayon?




"Sir, day-off ko po—"



"[I know. But.... i need you here right now.]" putol niya sakin. Bigla namang kumalabog ang puso ko ng sinabi niyang kailangan niya ako. Ang sarap naman pakinggan pero kailangan niya ako dahil secretary niya ako at kailangan ko talaga siyang puntahan dahil boss ko siya.





"Okay po. Papunta na." sagot ko sa kanya. Akala ko magsasalita pa siya pero ilang segundo lang ang lumipas ay binaba na niya ang tawag.





Crossing PathsWhere stories live. Discover now