XXV. Threat

688 28 1
                                    



Hazel Chen


Flashback...


Pagka-alis ni Zi ay napatingin ako kay Carlo na nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan nila Zi at Prince. Lumapit ako sa kanya at pinitik ang kamay ko sa harap ng mukha niya. Nagulat pa siya at tulalang napatingin sa 'kin.


"Oh insan? Hahaha, nandyan ka pala?" tanong niya pero pilit na tumatawa. Tinaasan ko naman siya ng kilay.


"FYI, hindi tayo magpinsan at bakit nandito ka pa? Pwede ka ng umalis." mataray na sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng tipid at napakamot sa batok.


"Grabe ka naman insan, tinataboy mo na talaga ako.. Nakakasakit ka ng damdamin." nakangusong sambit niya. Napangiwi naman ako.


"Umalis ka nalang, Caloy. Wala na si Zi at sa susunod na Huwebes pa sila makakauwi ni Prince—este ng Boss niyo, kaya gora na.." pagtataboy ko sa kanya at tinulak-tulak pa paalis.


"Grabe ka na talaga insan.." sabi pa niya bago siya tumalikod at umalis.


Nakataas lang ang kilay ko kay Carlo hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Mama na nag-aayos ng gamit.


"Ma, may lakad ka ba?" tanong ko sa kanya at pasimpleng kinuha ang cellphone ko sa mesa.


"Mamayang hapon pa, anak. Bakit? Aalis ka ba?" sabi niya.


"Di naman, ma.. Akala ko kasi aalis ka na naman.." pagsasagot ko sa kanya habang nasa cellphone ang atensyon ko.


Naramdaman kong nag-angat siya ng tingin sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin pero maya-maya lang ay biglang napabuntong-hininga at napaiwas ng tingin.


"Nanglalambing ka ba, anak?" tanong niya sa 'kin. Nagulat naman ako kaya napangiti ako.


"Asus baka ikaw lang ang magpapalambing sa 'kin, ma.." biro ko kay Mama at sabay naman kaming natawang dalawa.


Sa kalagitnaan ng aming tawanan ay nag-ring ang cellphone ni Mama at kasabay pa ang akin. Sabay kaming napatingin ni Mama sa isa't-isa at sumenyas na sagutin ang tawag.


Si Jam ang tumawag sa 'kin.


"Oh?" masungit na sagot ko. Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya sumagot.


"Kumusta ka?" parang pagod na tanong niya. Nagtaka naman ako.


"Maayos naman, nabubuhay ng wala ka. Ikaw ba?" masungit pa rin na sagot ko sa kanya.


"Okay lang rin." matipid na sagot niya.


Di ako nagsalita at ganun rin naman siya sa kabilang linya. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ako.


"Wala ka na bang sasabihin? Ibaba ko na 'to." sambit ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot sa kanya.


"Jam, sabi ko kung wala ka ng sasabihin pa ay ibababa ko na ang linya." pag-uulit ko pa pero wala parin akong natatanggap na sagot sa kanya. Nagsimulang namuo ang inis ko.


Crossing PathsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz