XIV. Home

737 32 1
                                    





Franzine Guillar




Habang nakatingin ako sa mga ulap na nadadaanan ng bintana ko ay naalala ko na naman na babalik na kami sa Manila, na wala na yung enjoy kahapon. Na kailangan na maging alaala nalang, hindi lang simple na alaala kundi maganda at masaya na alaala na nangyari sa buhay ko na kasama siya. Kasama si Nerd.


Pagkababa namin sa eroplano ay may sumalubong sa amin na dalawang lalaki at kinuha ang mga gamit namin. Dumiresto kami sa kotse na naiwan ni Nerd dito sa airport. Tumingin muna siya sakin bago siya pumasok sa loob ng kotse.

"Let's eat first before I sent you in home." sabi niya sakin. Tumango nalang ako bilang sagot ko.



Habang nasa byahe kami ay chinicheck ko ang mga files at proposals na nagawa namin sa Cebu. Meron mga pictures dun sa simala at iba't-iba pa.



"I let you have a 2 days day-off because I know you're tired on what we did in Cebu but after 2 days we will go to Baguio." sabi niya habang nakatingin sa daan. Napatingin agad ako sa kanya ng marinig ko ang salitang Baguio. Ano? Magba-byahe na naman kami?



"Sir, about parin po ba ito sa proposal na gagawin natin? tanong ko. Seryoso naman siyang tumango sakin.



"I told you before na hindi lang basta-basta na proposal ito. This is so important, kaya kung libutin man natin ang buong mundo just for this proposal ay gagawin ko." sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Bakit ba ganun nalang siya magsalita tungkol sa proposal na ito? Mahal niya ba talaga ang companya ni Mr. Lim para ibuwis niya na lahat?



"Okay po." nasabi ko nalang at tumingin nalang sa labas ng bintana. Wala narin siguro akong magagawa kundi ang sumama sa kanya na libutin ang mundo.




Nakarating kami sa isang Italian Restaurant. Paglabas ko ay nauna ng lumabas si Nerd at tumungo sa loob at ako naman ay dali-dali siyang sinundan. Napahinto ako sa pinto ng makita ko sa loob ang dahilan kung bakit siya umunang pumasok.



Si Vanessa. Nakita niya si Vanessa.


Nabigla si Vanessa ng makita niya si Nerd na seryosong nakatingin sa kanya. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila pero nabigla ako ng hinalbot ni Nerd si Vanessa at hinila palabas. Nabangga pa nga ako ni Vanessa pero di man lang nila ako napansin. Huminto sila sa tapat ng kotse.




"What are you doing here, Van?" seryosong tanong ni Nerd. Bakit ba siya nagagalit kung nandito si Vanessa?



"I'm with my date, Yon. Why did you drag me?" inis na sagot ni Vanessa at aakmang aalis sa kinatatayuan niya ng hilahin siya ni Nerd pabalik.



"I don't care if she's your date. And now, I want you to do is to go home and don't ever date back again that guy." galit na sabi ni Nerd ni Vanessa. Nanlaki naman ang mata ni Vanessa sa sinabi ni Nerd. Napahawak ako sa bibig ko ng sinampal siya ni Vanessa.




"How dare you to tell me like that! Your not my boyfriend to command me, Yon. Wala kang karapatan na utusan ako at layuan ko ang lalaki na yun. You don't even know him and now your judging him like his bad!" galit na sigaw ni Vanessa. Ano? Hindi niya boyfriend si Nerd? Pero..bakit parang nung huli naming pag-uusap ni Vanessa ay sabi niya na sa kanya daw si Nerd?



"I just don't want you to see crying over that guy." sabi ni Nerd. Umiling naman si Vanessa sa kanya.




"Wala kang pakialam kong iiyakan ko siya at mas lalong wala kang karapatan na pagdesisyonan ako kung ano ang gusto kong gawin. Diba wala na naman? You end up everything. You didn't give me any chances or hopes." umiiyak na sabi ni Vanessa. Nalungkot naman ako para kay Vanessa. Akala ko talaga may relasyon silang dalawa pero wala naman talaga. At naaawa ako kay Vanessa na ang gusto lang ay mahalin siya ni Nerd.




Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon