XXIII. Play

648 27 1
                                    





Franzine Guillar



Kinabukasan ay nagising ako ng marinig kong nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa side table na malapit sa kama ko. Minulat ko ang mata ko at umupo sa kama bago ko ito sinagot.



"Hello?" sagot ko.




"Zi!" si Hazel. Bakit ata ang aga ng tawag niya ngayon?




"Oh?" walang gana kong tanong sa kanya sa kabilang linya.



Sa dinarami-raming oras na pwede niya akong tawagan ay 'yung umaga pa talaga at ginising pa ako.



"Kumusta ka na dyan? Huy Zi—"



"Pwede ba Hazel? Kung sisimulan mo na naman ako sa pang-aasar mo? 'Wag na lang dahil ibababa ko na ito ngayon din.." pagpuputol ko sa kanya.




"Napaka-judgemental mo naman ata? Wala pa nga akong sinasabi e.. Teka lang kasi okay? Alam kong magpapa-asar ka naman—"



"Ge na, ibaba ko na ito—"



"Wala kami sa bahay ngayon.." agad na pagputol niya sakin na agad namang nagkasalubong ang kilay ko.



Wala sila sa bahay ngayon? E, nasan sila kung ganun?



"Anong sabi mo?" pagtatanong ko sa kanya.



"Wala kami sa bahay ngayon dahil.." sagot niya at pinabitin pa ang sasabihin sa huli na mas lalong nagpakapagtaka sakin.




"Dahil?" tanong ko ulit sa kanya sa kabilang linya pero bago pa siya sumagot ay napabuntong hininga muna siya.



"Dahil— Maam, mag-aalmusal na po." rinig ko sa kabilang linya. Nagtaka ako dahil hindi natapos ni Hazel ang kanyang sinabi at may biglang sumingit na babaeng boses at tinawag pang Maam si Hazel?

Ano ba ang nangyayari? Nasaan ba sila ngayon?

"Hazel? Hazel?" pagtawag ko kay Hazel ng biglang tumahimik ang kabilang linya pero wala na akong nakuhang sagot at bigla nalang naputol ang tawag.


Ba't niya pinutol?


Sinubukan kong tawagan si Hazel pero hindi na siya ma-contact, ganun rin ang ginawa ko kay Aling Pacing pero di ko parin siya ma-contact. Naglaro agad sa isipan ko ang mga nangyayari doon. Wala sila sa bahay at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Sa amin naman 'yung bahay, paanong wala sila bahjay? Umalis sila at pumunta sa kung saan? E, saan nga ba?


Naligo nalang muna ako at nagbihis pero maya-maya lang ay may biglang kumatok.

Baka si Nerd...


Pagbukas ko sa pinto ay agad na nawala ang ngiti ko sa labi ng makita 'yung callboy na may dalang pagkain.


"Your food maam... Mr. Greffin ordered this for you.." sabi ng callboy habang nakangiti sakin. Tumingin ako sa kanya bago ko pinapasok ang pagkain.


"Diyan nalang pakilagay.." sambit ko sa kanya at inilagay niya naman ito sa mini table na nandito sa kwarto.


"Salamat." maikli na sambit ko sa kanya ulit. Ngumiti siya at tumango bago siya lumabas.


Umupo ako sa upuan habang kinukuha ang pagkain sa kinalalagyan na dala-dala nung call boy at inilagay sa mesa. Isang afritada, grilled pork, fish filet, pine-apple juice at dalawang rice.



Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon