XXVIII. Suspicious

662 27 0
                                    



Franzine Guillar



Hawak parin ni Nerd ang kamay ko habang bumaba kami patungo sa swimming pool. Dahan-dahan kong naramdaman ang malamig na tubig sa paa ko hanggang sa umabot sa bewang ko.


"It's cold." sabi ni Nerd. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.


Sobrang lamig talaga..


"Sisisid ako sa ilalim, dito ka lang muna." sabi ni Nerd muli. Tumango naman ako ss kanya. Binitawan niya ang kamay ko at sumisid siya sa ilalim, ilang segundo lang ay nakita ko siya umahon pero malayo na siya sa 'kin. Nginitian niya ako kaya napangiti rin ako pabalik sa kanya.


"Swim here, Franzine!" sigaw niya. Lumunok muna ako bago tumango. Huminga ako ng malalim at lumangoy patungo sa kanya. Ilang segundo ang lumipas ay nakarating naman ako sa kanya.


"Marunong ka palang lumangoy?" tanong niya sa 'kin. Tumango naman ako habang pinapahid ang basa na tumabon sa mukha ko.


"Let's swim together?" tanong ni Nerd. Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.


Di ata magandang ideya 'yun...


"Hindi na sir—este Prince. Ikaw nalang muna tapos ako naman ang susunod." sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paglungkot sa mukha niya kaya parang may kung anong kumirot sa puso ko. Napalunok ako at hinawakan ang kamay ni Nerd.



"Sige na nga, sabay tayong lalangoy." nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at hinigpitan ang pagkapit sa kamay ko.


"In a count of three... one... two... three!" sabi ni Nerd at sabay kaming sumisid sa ibaba.


Nang nasa ilalim kami ay hindi nagbitaw ang mga kamay namin at napatingin pa kami sa isa't-isa, dahan-dahan siyang napalapit sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya ay rin ay nanatili sa ganoong sitwasyon. Hindi nagtagal ay sabay kaming umahon at nasa mukha ko parin ang kamay niya at nakatingin parin kami sa isa't-isa.


"I want you back.." mahinang sabi ni Nerd pero sapat na para marinig ko 'yun. Napalunok ako at hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.


Saya, kaba, takot at gulat...


"Nerd..." sambit ko sa kanya. Ngumiti siya at dahan-dahan na lumapit sa 'kin.


"I'm sorry but I can't stop myself to do this.." sabi niya at bigla akong hinalikan sa noo.


Nerd... Ba't mo 'to ginagawa sa 'kin?


"Hey, are you okay? Ba't namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Nerd sa 'kin. Nanatili ako nakatingin sa kanya at hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko ngayon. Masyado akong nagulat sa ginawa at sinabi niya.


"Hey I said, are you okay? Di mo ba nagustuhan ang ginawa ko sa 'yo? I'm sorry... it's just... I can't stop myself—"


"Umahon na tayo." pagpuputol ko sa kanya at naunang umalis sa tubig. Kinuha ko ang tuwalya at inayapos 'yun sa katawan ko bago ako naglakad patungo sa kwarto namin.


Pagkapasok ko ay napabuntong hininga agad ako. Napahawak ako sa noo ko at inisip ang lahat ng nangyari kanina lang.


Hindi pwede 'to... Hindi pwede ngayon...


Crossing PathsWhere stories live. Discover now