XXXII. Jed Guillar

649 25 2
                                    





Jam Klein Stewart



Napaayos ako ng upo ng biglang tumayo si Boss at lumingon sa 'min ni AM. Tiningnan niya kami ng seryoso bago siya nagsalita.



"May pupuntahan ako. Kayo muna ang bahala sa mga kasama niyo." malamig niyang sabi niya bago niya kami tinalikuran at naglakad paalis. Napalunok ako at napatingin kay AM na nakibit-balikat lang sa 'kin.



Napitlag naman ako ng mag-ring bigla ang cellphone ko at nakita ko ang number ni Hazel na tumatawag. Tumingin muna ako kay AM at nagpaalam sa kanya na lalabas muna ako para sagutin ang tawag at tinanguan niya lang ako. Paglabas ko ay sinagot ko agad ang tawag ni Hazel.




"Hello—"



"Ba't ang tagal mong sumagot?" bulyaw niya sa kabilang linya. Napalayo ko naman ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya.



"Sorry, nasa loob kasi ako ng UG kanina kaya lumabas muna ako para sagutin ang tawag mo." sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya sa kabilang linya.



"Huy amazona! Nandyan ka pa ba—"



"Namimiss na kita." naputol ko ang sasabihin ko ng sumingit si Hazel. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko, para kasing ngayon mismo ay aalis ako sa UG para puntahan siya.



Miss narin kita, amazona'ng babae ka!



"Ba't mo naman ako namiss?" biro kong tanong sa kanya. Ginaya niya naman ang sinabi ko sa mahinhin na boses.




"Malamang, dahil wala ka sa tabi ko kaya kita namiss!" singhal niya sa kabilang linya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.




"Talaga lang ah? Baka naman kasama mo 'yung lalaking akala mong sinong gwapo, e mas gwapo pa nga paa ko e." sabi ko sa kanya.



"Pinagsasabi mong, panget ka? Sino ba 'yang tinutukoy mo, huh?" takang tanong niya. Napailing-iling naman ako sa kanya.



"'Yung kaibigan ni FG, 'yung Calro—Calso—Carlo—ayy, 'yung Caloy pala." sagot ko sa kanya. Napatawa naman siya ng malakas sa kabilang linya.



Tinatawa-tawa ng amazona na 'to?



"Ewww.. 'Yung si Carlo? E, halata namang may gusto 'yun kay Zi. At saka, ba't ko naman kasama 'yun, e di nga kami close nun." sabi niya. Napatango-tango naman ako sa kanya.



Halata nga e.. Nung pagbalik ni FG galing sa mindanao kasama 'yung boss niya ay parang ay saya-saya niya na para bang makikita at mababasa sa mata niya na 'sa wakas at babalik na talaga siya'.. Inlove kay FG, ang kumag.



"Ba't ka natahimik?" tanong ni Hazel.



"Bakit? Di ba pwedeng tumahimik saglit?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.



"Ewan ko sa 'yo.. Sige na at aalis ako ngayon, medyo boring dito sa bahay e." sabi niya.



"Teka, wala ba si FG dyan?" tanong ko.



"Wala.. Kanina na naka-alis, kasama si Prince." sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang pangalang 'Prince'.




'Wag niyang sabihin na....



"Ba't natahimik ka na naman?" inis na tanong ni Hazel sa kabilang linya.



"Saan daw ba pumunta?" tanong ko.



Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon