XXII. Midnight convo

673 25 0
                                    







Franzine Guillar




Nagising ako sa mahihinang katok pero sapat na iyun para marinig ko. Tumayo ako at inayos ang aking sarili bago ko ito binuksan. Bumungad sakin si Nerd at gulat pa siyang napatingin sakin.




"I thought your asleep.." nagkasalubong na sabi niya. Umiling ako at ngumiti ng maliit.




"Kakagising ko lang, Sir.. May kailangan po ba kayo?" pagtatanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa relo niya bago sumagot.




"It's dinner time we have to eat.." sagot ni Nerd. Tumango naman ako sa kanya.




"Mauna nalang po kayo-"



"No, I'll wait for you.." seryosong pagpuputol sakin ni Nerd. Nakayukong tumango ako bago ko sinira ulit 'yung pinto. Napabuntong hininga ako at inaalala ang sinabi ni Nerd.




No, I'll wait for you... bakit may diin 'yung pagkakasabi niya ng wait?



Inayos ko muli ang sarili ko at lumabas agad. Nakita ko si Nerd na may katext kaya dahan-dahan akong tumungo sa kanya. Napahinto ako ng napatingin siya sakin, agad niyang nilagay ang cellphone niya sa kanyang bulsa.




"Let's go." pagyaya niya sakin at nauna ng maglakad. Tumingin pa ako sa kanya bago sumunod.




Pagkarating namin sa lobby ay dumiretso kami sa resto area ng hotel. Nag-order ng pagkain si Nerd at hindi naman 'yun nagtagal kaya nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay napatingin ako sa labas..




Gabi na pala di ko man lang namalayan na mataas-taas rin pala ang naitulog ko.



"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" biglang tanong ni Nerd kaya napatingin ako sa kanya pero nasa pagkain lang ang paningin niya.




"Yes sir.. Medyo mahaba nga po e.." nahihiyang sagot ko.




"Good. Later, we'll go to the rooftop dahil may mini party na gagawin. Lahat ng nag-stay dito ay papupuntahin doon para daw sa anniversary ng hotel na ito.." sabi ni Nerd. Tumango naman ako sa sinabi niya.





Nang natapos na kaming kumain ni Nerd ay sinabi niya sakin na may pupuntahan kami bukas para doon sa gagawin na proposal at sinabi niya rin na isulat lahat ng schedules niya this whole week. Dumiretso ako sa kwarto ko at sinimulan ang pagsulat ng mga gagawin namin ni Nerd bukas at sa mga susunod na araw.




Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nag-vibrate. Kinuha ko ito at tiningnan kong sino ang tumawag. Si Hazel pala.





"Hello Zi?" bungad agad ni Hazel sakin.





"Oh? Bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya.




"Wow Zi ha? Bakit parang ayaw mo ata ang pagtawag ko? Nakakaabala ba ako sa ginagawa niyo-"




"Oo!" singhal ko.





"Oh my god! So, may ginagawa nga kayo? Naku Zi ha? Maypa deny-deny ka pa na wala ng nararamdaman pa sayo si Prince pero-"




"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" takang tanong ko sa kanya.




"Ayan! 'Yang pamaang-maangan mo... Diba may ginagawa kayo? So, nagho-honeymoon kayo ng hindi pa kasal ganun? Aba matindi kayo ha-"




Crossing PathsWhere stories live. Discover now