XVIII. Father

807 29 0
                                    




Franzine Guillar




Nandito ako sa labas ng kwarto ni Carlo kasi pumasok na ang mama niya. Nakaupo ako habang iniisip ang mga nangyayari.




Bakit ganun? Bakit bigla nalang 'yun nangyari?




Naalala ko tuloy si Nerd. Ngayon ang punta namin sa Baguio, natuloy kaya siya sa pagpunta doon? Sa totoo lang nakaramdam ako ng panghihinayang dahil kung natuloy man siya sa pagpunta doon sa Baguio ay mag-isa lang siya pero pwede naman siyang magsama ng iba kaya siguro nagpasama nalang yun ng iba. Kung tutuusin di naman talaga madali yung proposal na ginagawa ni Nerd pero sobrang importante sa kanya.



Napagdesisyonan kong umuwi nalang muna. Tumayo ako at kumatok sa pintuan ng kwarto ni Carlo. Binuksan ko ito at sabay na napatingin si Carlo at ang mama niya sakin. Ngumiti ako ng tipid.





"Magpapaalam na sana ako. Babalik nalang ako bukas—"




"Pwede naring hind na baka maabala ka pa!" putol ng mama ni Carlo sa akin.




"Ma!—Bumalik ka Franz bukas a? Hihintayin kita." sabi ni Carlo. Ngumiti lang ako sa kanya bago ako umalis.




***



Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Hazel na busy sa pagpindot ng cellphone niya. Teka? Sino ba ang tinatawagan niya? Si Jam ba? Matagal-tagal narin hindi kami nagkikita ni Jam.






"Oh Zi? Nandito ka na pala!" sabi ni Hazel pero kita naman sa mukha niya ang pagkainis habang nakatingin sa cellphone niya.





"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang tumutungo sa kusina at uminom ng tubig.




"Di ko ma-contact si Jam.." inis na sagot niya habang nasa cellphone parin ang atensyon. Diba sinabi niya sakin noon na may ginawang misyon sila Jam? Yung kailangan nilang bantayan?




"Baka may ginagawa—"




"Hindi e! 'Wag mong sabihin na araw-araw siyang busy kaya di ko siya ma-contact?" tanong ni Hazel at tumingin na sa akin pero halata sa boses niya ang pagka sarkistong at inis.





"Oh bakit naiinis ka sakin? Nagsasabi lang naman ako sayo baka nga naman kasi busy!" sagot ko sa kanya. Inikotan niya lang ako ng mata at itinoon ulit ang atensyon sa cellphone. Magdamag mong tawagan tingnan natin kung di yan sumagot!




Papasok na sana ako sa kwarto ng mapansin kong wala si Aling Pacing. Wala na naman siya? Saan naman kaya siya pumunta?




"Umalis ang mama mo?" tanong ko kay Hazel. Tumingin siya sakin sandali at tumango.




"Saan daw pupunta?" pagtatanong ko ulit.




"Ewan ko! Siguro doon na naman sa kumare niya." walang ganang sagot niya sakin. Nagkasalubong ang kilay ko at tumungo sa sofa kung saan nakaupo si Hazel.




"Nung wala ako dito umaalis ba si Aling Pacing?" tanong ko. Tumango naman siya sakin.




"Oo pero maaga naman siyang makakauwi, minsan may dala siyang pagkain o gamit kagaya nalang kahapon pero naninibago rin ako kay Mama e. Kailan pa siya nahilig lumabas at pumunta sa kumare niya? Tsaka napapaisip rin ako kung nagsasabi ng totoo si mama. Pero—aish! Basta, ang sakin lang ay safe siyang makauwi." sagot ni Hazel at bumuntong hininga.





Crossing PathsWhere stories live. Discover now