X. Cebu

760 41 0
                                    


Franzine Guillar



Ala singko palang ng umaga ay gising na ako dahil ala syete ng umaga ang alis namin.. Ngayon na kasi kami pupunta ng Cebu. Nasabihan ko narin sina Aling Pacing at Hazel na kararating lang kagabi. Parang badtrip ata si Hazel dahil nakabusangot ang pagmumukha niya nung umuwi siya dito.


Paglabas ko ay nakita si Hazel na nasa pintuan na nakatayo. Luminga ako sa kwarto niya at alam kong tulog pa si Aling Pacing may lakad rin kasi siya kahapon pero di ko alam kung saan.


Tumungo ako kay Hazel at tinabihan siya pintuan. Medyo madilim pa dahil ala singko palang at di ko nakikita ang araw. Napatingin si Hazel sakin pero agad rin namang napatingin sa kawalan ulit.



"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Narinig ko siyang mabigat na bumuntong hininga bago ako sinagot.



"Bakit ganun, Zi? Diba ikaw nakaalis ka naman sa pagiging gangster? Bakit si Jam hindi?" patanong na sagot niya sakin. Medyo tumikhim pa ako ng mahina bago nagsalita.

"Dahil gusto kong matapos na ang lahat. Siguro si Jam may gusto pa siyang gawin kaya hindi pa siya umalis sa pagiging gangster." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang mahinang tumango.




"Di mo ba namimiss ang pagiging gangster princess mo?" tanong niya sakin. Napasinghap naman ako sa tanong niya.



Aaminin ko. Di ko na naiisip ang nangyari sakin noon. Masyado kasing masakit ang nangyari at ayoko ng balikan pa. Pero, yung pagiging gangster princess ko? Oo, namimiss ko. Namiss kong maging isang gangster, yung natatakot sila sakin, yung kilala ako ng lahat, yung may mga kumakalaban sakin at syempre yung mga ka gang ko. Namiss ko lahat.




"Oo, pero ayoko na talaga maging gangster." sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.




"Malaki na talaga ang pinagbago mo, Zi. May pakialam ka na talaga sa sarili mo at sa mga taong mahal mo." sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.




"Pero, bakit parang malungkot ka? Anong nangyari sa inyo ni Jam?" pagbabalik ko ng topic. Nag-iba ang itsura ng mukha niya at biglang nalungkot.




"Zi, sabi ni Jam sakin may kailangan daw siyang gawin at sinabi niya di mo na daw kami magkikita." sabi niya. Narinig kong napasinghap siya.




"Ano daw ang kailangan niyang gawin?" tanong ko.



"May pinapagawa sa kanila yung boss nila. May kailangan daw silang protektahan." sagot niya. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.



May kailangang protektahan? Sino naman iyun? Bakit kailangan pa?




"Ahhh... siguro isa yun sa mga pamilya nila. Baka may malaki gang group silang kalaban ngayon." sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya sakin.



Pero, napapaisip talaga ako kung sino. Posible kayang ako? Pero bakit pa nila ako kailangang protektahan eh wala na naman ako sa grupo? Wala na rin silang mapapala sakin.





"Oh? Gising na pala kayong dalawa. Diba Zi ngayon ang alis niyo papuntang Cebu?" sabi ni Aling Pacing na bago lang lumabas sa kwarto.





"Opo. Maliligo na ako maya-maya." sagot ko. Tumango naman si Aling Pacing.



Napatingin ako kay Hazel na nakataas ang kilay sakin. Ano naman ang nangyari sa kanya?




Crossing PathsWhere stories live. Discover now