XXVII. Hold On

725 28 1
                                    




Franzine Guillar



Nakatingin lang ako sa labas kung saan masayang naliligo ang mga bata kasama ang mga magulang nila. Kanina pa kami tapos kumain ni Nerd at pumunta muna siya sa kwarto dahil may kukunin siya at nagpa-iwan naman ako dito sa labas para makita ang mga taong masayang naliligo.




"Mom, let's swim now.." sabi nung batang lalaki sa mama niya. Ngumiti naman ang Mama niya sa kanya at tumango. Sabay silang naglakad patungo sa swimming pool at sabay rin na lumusong sa tubig.



Ang saya nila... Sana nagkaroon rin kami ng ganyang bonding ni Mama bago siya mawala..



"Excuse me," napalingon ako sa likuran ko ng may nagsalita. Nakita ko ang isang nakaswimsuit na babae na may sombrero at shades na suot.



"Bakit?" tanong ko sa kanya.  Tumingin muna siya sa paligid at pinalipad sa hangin ang buhok niya bago siya nagsalita.



"Are you alone?" tanong niya. Nagkasalubong naman ang kilay ko at nagtaka sa tinanong niya.



Bakit niya ba tinatanong? At ano rin ba ang pakialam niya?



"Bakit mo tinatanong?" nagtataka kung tanong sa kanya. Nakita ko kung paano siya ngumisi at ngumiwi saka na naman niya pinalipad sa hangin ang buhok bago nagsalita.



"You seem so alone here, so I thought if you were alone—"



"Ano naman ang pakialam mo kung nag-iisa ako?" pagpuputol ko sa kanya. Napakagat siya sa labi niya na para bang naiinis siya sa pagsasalita ko.



"Nevermind.. Just enjoy." maarteng sabi niya at tinalikuran ako. Natataka ko nalang siyang pinanood na naglalakad palayo sa 'kin.



Sino ba siya?



"Franzine!" napalingon ako sa harapan ko ng makita ko si Nerd na naglalakad patungo sa 'kin. Nagulat ako ng makita ko siyang naka-shorts at walang pang-itaas na damit at sa kanyang braso ay may nakasabit na tuwalya at saka may hawak rin siyang damit at tuwalya rin.



"Omo! Siya 'yung si Chanyeol kalokalike diba?"



"Hala! Look his tummy, he have a six pack abs."



Gulat akong napatingin sa tabi ko ng makita ko 'yung mga babae na nakasakayan namin sa eroplano.



Hanggang dito ba naman ay pinagpapantasyahan nila si Nerd? Grabe'ng mga babae 'to..



"Hey, wear this." sabi ni Nerd sabay abot nung hawak niyang damit.



"Ahh... He's so sweet.."



"How to be you, Ate?"



Napapikit ako ng mata ko ng marinig ko ang bulongan ng nasa tabi ko. Tiningnan ko sila pero maamong pusa silang nakatingin sa 'kin at kay Nerd. Sinamaan ko sila ng tingin kaya agad naman silang umalis palayo sa amin.



"Maliligo tayo.." sabi muli ni Nerd. Tumingin muna ako sa kanya sandali bago ko dahan-dahan na kinuha ang damit. Tumungo ako sa isang cr at doon nagbihis, paglabas ko sa cubicle ay napaatras ako sa gulat ng bumungad sa 'kin 'yung babaeng kumausap sa 'kin kanina.



"Hi!" masayang bati niya at kumaway pa. Nakatingin lang ako sa kanya.



"You were going to swim, right?" tanong niya sa 'kin. Di ko siya sinagot bagkus ay nilampasan ko siya at lalabas na sana ng nagsalita siya muli.



Crossing PathsWhere stories live. Discover now