XXXVIII. Revelation

741 27 0
                                    







Franzine Guillar


Mabigat akong huminga habang nakikinig sa sinasabi ni Nerd sa earpiece.



"Don't worry, Franzine. Nakikita ko na si Hazel at Jam pero may mga armadong tao ang nakabantay sa kanila." sabi ni Nerd. Napayukom ako ng kamay ng maramdaman ko ang pagtapik ni Papa sa balikat ko.



Oo, kasama ko si Papa habang sina Ate Frinnie at Grey, Vanessa at Nerd. Hindi ako ang nagpares-pares nito kundi si Nerd.




"Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Papa sa 'kin. Bumuntong hininga ako at nakayukong tumango sa kanya.




Nandito kami ngayon sa isang kwarto kung saan kami naghihintay ni Papa na lumabas ang mga tao na nasa likod nito. Nakarinig kami ni Papa ng boses na parang nag-uusap habang kumakasa ng mga baril.




"Akala ko ba si Franzine lang mag-isa? Ba't may mga kasama siya?" inis na tanong ng isang medyo may katandaan na boses.




Teka, ba't parang pamilyar ang boses na 'yun?



Nagtatakang napatingin si Papa sa 'kin ng makita ang seryoso at natataka kong reaksyon.




"Kilala mo ba siya, anak?" tanong ni Papa.




"Hindi po ako sigurado pero parang narinig ko na ang boses niya." sagot ko kay Papa. Napatango-tango naman si Papa sa sinagot ko.



"Parang may kutob nga ako na kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yun." sabi ni Papa.




Ibig sabihin nito, kakilala lang namin ang nasa likod ng mga lahat ng pangyayari? Pero, sino naman kaya?




"Ikaw ang bahala sa mga kasama niya at ako ang papatay kay Franzine." rinig ko na sabi ng isang boses ng lalaki. Naramdaman ko ang paghawak ni Papa sa balikat ko kaya seryoso akong napatingin sa kanya.




Nakita ko ang lungkot at takot sa mga mata ni Papa. Napababa ako ng tingin ng maalala kong hindi ko pa pala sila napatawad ni Ate. Bumuntong hininga ako at inalis ang kamay ni Papa sa balikat ko.




"Papa..." sa pagsambit ko sa kanya ng Papa ay parang ang saya-saya sa pakiramdam. Nagulat naman si Papa sa tawag ko sa kanya at napangiti siya.




Hinawakan ko ang kamay ni Papa at seryoso siyang tiningnan.




"Pa, kailangan niyo ng makuha si Hazel at Jam. Kailangan kayong lahat ay makakalabas ng buhay dito. Umalis ka na, Pa." seryosong sabi ni Papa. Umiling agad si Papa sa sinabi ko.



"Hindi, Franzine. Kaya ako nandito para protektahan ka, kung noon hindi kita naprotektahan, pwes ngayon may pagkakataon na ako para gawin ang hindi ko nagawa noon." sabi ni Papa. Napabuntong hininga nalang ako at nginitian siya ng konti.




Nakarinig kami ng mga yabag kaya napa-alerto kami ni Papa. Nilabas ni Papa ang dala niyang baril at ako naman ay kahit hindi ako sanay sa baril ay 'yun ang kinuha ko.



"Boss!" napatingin ako sa sumigaw at mukang tauhan nila 'yun. Tumakbo ito patungo sa isang pinto at kumatok.




"Ano?" tanong ng isang matandang lalaki. Naharangan ang mukha niya kaya hindi ko makita.




"Nabaril po namin ang babaeng kasama ni Greyson, boss." sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa gulat at parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.




Crossing PathsWhere stories live. Discover now