XX. Woman in Black

697 25 0
                                    






Franzine Guillar




Nakatingin lang ako kay Carlo habang kinukuha niya ang bisekleta niya.



Wala naman siyang kakaibang kinikilos. Bakit ko ba siya pinagsusupetsyahan?



"Franz! Tulala ka na naman e! Tara na baka malate pa tayo sa trabaho. Mamaya muna ako isipin! Hahaha!" sabi niya at tumawa pa ang kumag. Abno talaga ang lalaking 'to! Kung makaasta parang hindi galing sa hospital.





"Ha-ha-ha. Assuming mong engot ka! Di na ako sasakay sayo.." sarcastic kong sabi sa kanya at sumakay sa bike ko.





"Ano?! Anong akala mo sakin di nakita kayang isakay?—"





"Bagong labas ka lang sa hospital kaya hindi mo muna gagamitin ang lakas mo—"





"Huyy! Malakas kaya ako kaya sakin ka nalang sumakay—"




"Hindi na nga, tigas ng ulo mo e. Ge na tara na at baka malate pa tayo.." sabi ko at aapila na naman sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin kaya napanguso siya at umunang umalis at ako naman ay nakasunod na sakanya.




Pagkarating namin sa kompanya ay hinintay pa ako ni Carlo bago kami pumasok.






"Hinda ba nagalit si Mr. Greffin sakin?" tanong niya sakin habang naglalakad kami papunta sa workplace ni Carlo.






"Bakit naman siya magagalit e na aksidente ka naman? At saka hindi ganun ka babaw si Nerd—ang ibig kong sabihin si Sir.." sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin. Muntikan pa akong madulas.





"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun.." tango-tangung sabi pa niya.





"Uyy, punta na ako sa taas pupuntahan nalang kita dito sa lunch." sabi ko sa kanya. Nakangiti pa siyang tumango sakin at kumaway kaya tinanguan ko nalang siya bago ako sumakay sa elevator.





Pagkarating ko sa 15th floor ay nakasalubong ko si Manager pero nasa cellphone siya nakatingin. Nang malampasan niya na ako ay nilingon ko siya at bigla naman akong napaisip.




Anong ginagawa ni Manager dito sa floor namin ni Nerd? Baka may inaasikaso lang siguro...





Dumiretso ako sa office ni Nerd at pagpasok ko ay nakatutuk siya sa laptop at salubong ang kanyang kilay.




"Goodmorning sir.." bati ko sa kanya upang maging dahilan ng pagtingin niya sakin. Napalitan ng kalmado ang mukha niya ng tumingin na siya sakin.




"Goodmorning..Mmm.. can I see my schedules for today?" natanong niya agad. Tumango naman ako sa kanya at lumabas at saka ako tumungo sa office ko. Sinusulat ko na kasi agad ang magiging schedules for this month. Kinuha ko ito at bumalik sa opisina ni Nerd.





"Sir..you have a meeting with Mr. Lacosta after 30 minutes, meeting with Mr. Ogama about the label of stocks at 10:30 am, meeting with Mrs. Agripa at 1:00 pm.." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sakin.






"How about the rest of the day?" tanong niya sakin.





"It's all free sir.." sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sakin.






Crossing PathsWhere stories live. Discover now