XXXIV. Frinnie Guillar

684 25 0
                                    




Franzine Guillar


Nandito pa ako sa loob ng kwarto ko habang nakatingin sa uniporme ko sa trabaho. May trabaho ako ngayom pero nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako o hindi. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na naman ang nangyari nung nakaraang linggo. Oo, linggo na rin ang nakalipas simula mangyari 'yung... 'yung.. uhm... tungkol kay Jed Guillar na Papa ko. Naiisip ko rin ang ginawa ko kay Nerd, kahapon lang ay tinawagan niya ako pero hindi ko 'to sinagot.


"Zi!" tawag ni Hazel sa labas ng kwarto. Tumayo ako at nagtungo sa pintuan saka ko 'to binuksan. Nakita ko si Hazel na malungkot na nakangiti sa 'kin kaya nagtaka ako.


Ano naman ang nangyari sa kanya?


"Oh?" tanong ko. Ngumuso siya at pumasok sa loob ng kwarto ko. Sinara niya muna ang pinto bago siya umupo sa kama ko. Nakacross arm siyang tumingin sa 'kin.


"Ano bang ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.


"Akala mo hindi ko napapansin?" sabi niya. Nagtaka pa tuloy ako sa sinabi niya.


Ano bang pinagsasabi ng babae'ng 'to?


"Ang ano?" tanong ko. Umiiling-iling siya saka siya ngumiti pero malungkot.


"Napapansin ko ang mas lalo mong pagkakatahimik. May problema ka ba?" tanong niya sa 'kin pabalik.


"Kailan naman ako naging madaldal katulad mo huh?" sarkastikong sabi ko sa kanya. Ngumuso muli siya.



"Bwesit ka naman, Zi e! Ang ibig ko kasing sabihin ay tahimik ka noon pero mas naging tahimik ka ngayon. Kahit hindi mo sabihin sa 'kin ang problema mo, alam kong may dinadala kang mabigat." sabi ni Hazel at naghambog gesture pa. Naglakad ako palapit sa kanya at saka ko siya hinila at ilalabas ko na sana siya ng pinigilan niya ako.



"Teka nga lang, Zi! Hindi ako aalis hangga't di mo sinasabi sa 'kin ang problema mo!" sabi niya at nagpabigat para hindi ko siya mahila. Inis kong binitawan ang kamay niya kaya napaupo siya sa sahig.



"Ano bang sinasabi mo, Hazel? Sino ba kasi ang may sabing may problema ako?" inis na tanong ko sa kanya.



"Walang may sabi pero kitang-kita sa mukha at kilos mo." pigil pasensyang sagot niya. Padabog siyang tumayo at diretsong tumingin sa mga mata ko.



"Zi, ano ba ang turing mo sa 'kin? Sa amin ni Mama? Ba't kailangan mo pang maglihim at itago sa 'min ang totoo mong nararamdaman? Zi, pamilya mo ako, si Mama. Pamilya tayo Zi pero hindi 'yun ang pinaparamdam mo sa 'min.." sabi niya. Di ko alam kung naiinis siya, naiirita, nauubos na ang pasensya, nalulungkot o maiiyak siya kapag di siya tumigil sa pagsasalita. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.



Aaminin ko, di ko gusto na problemahin ng ibang tao lalo na ang taong malalapit sa 'kin ang problema ko. Problema ko 'to kaya ako lang ang susulosyon nito kaya hindi ko sinasabi agad sa kanila.



"Lumabas ka na-"



"Sege, lalabas ako kapag sinabi mo na ang dinadala mong-"



"Wala akong problema! Ano ba?! Di mo ba ako naririnig? Lumabas ka na dahil wala-"



"Ayan! Diyan ka lage nagdadahilan! Tatanongin ka ng maayos pero hindi ka naman sumasagot-"



Crossing PathsWhere stories live. Discover now