XXIV. Bigbass Revenge

729 30 0
                                    




Franzine Guillar




Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at nakita ko si Nerd na nakasandal sa pinto niya habang hinihintay ako. Nakayuko akong naglakad patungo sa kanya, nakita ko siyang tumayo ng maayos bago siya nagsalita.



"Let's go.." anyaya niya. Tumango naman ako at tahimik na sumunod sa kanya.


Nang makarating kami sa restaurant area ay nag-order agad si Nerd at siya narin ang nag-order ng para sa akin. Nanatili kaming tahimik habang hinihintay ang pagkain. Narinig kong napabuntong hininga si Nerd bago siya nagsimulang magbukas ng usapan.



"Siguro napansin mong hindi tayo nagkita kahapon diba?" tanong niya. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya.


Oo nga hindi kami nagkita kahapon at laking pasasalamat ko doon dahil hindi siya nadamay sa nangyari sa 'kin kahapon.



"Umalis ako, inaasikaso kong mag-isa 'yung proposal dahil alam kong marami kang naiwang paper works na hindi mo nagawa kaya binigyan kita ng isang araw na tapusin 'yun.. Natapos mo naman ba?" sabi niya sakin.



"Opo sir.." mahinang sagot ko.



"But today, ay sasama ka na sa 'kin.. Kailangan mong makita ang magandang tanawin ng Davao.." sabi niya muli. Napangiti ako at tumango.



Hindi nagtagal ay dumating ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain ay bumalik muna kami sa mga kwarto namin dahil may kukunin si Nerd na iilang gamit at kailangan ko rin na linisin ulit ang sugat ko. Medyo hindi pa gumagaling dahil dumudugo pa ito.



"Kapag nalaman ko lang talaga ang gumawa nito ay pasensyahan nalang.." wala sa sarili kong bulong habang ginagamot ang sugat ko.



Matapos ang ilang minuto ay natapos ko ang paggamot sa 'king sugat. Kinuha ko 'yung black leather jacket ko, pinalitan ko ng itim na skinny jeans na parang silk ang pang-ibaba kong suot, at sinoot ko 'yung black boots na bigay sa 'kin ni Carlo nung nakaraang birthday ko.



Ngayon, parang nagbalik lahat ng alaala ko bilang isang gangster princess. Mukang totoo nga sinasabi nila na..... Kung ano ka, 'yun ka na talaga..



Lumabas ako sa kwarto ko at hindi ko pa nakita si Nerd kaya mukang nasa loob pa siya ng kwarto niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hazel pero gaya ng kahapon ay cannot be reach at unavailable siya, pati narin si Aling Pacing.


Tsk! Nasan ba kasi sila? Hanggang ngayon hindi ko parin nalalaman kong nasaan sila at kung bakit wala sila sa bahay.



Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto ni Nerd at nakita ko sa itsura niyang gulat siya sa suot ko. Naka-formal suit kasi siya 'yung pangbusiness talaga samantalang ako ay parang secret agent.



"Bakit ganyan ang suot mo?" takang tanong niya sakin. Napaisip ako agad sa isasagot ko.



"Mmmm.. Maiba lang.." sagot ko at iniwasan talagang 'wag mautal. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago siya tumango at sumenyas ng aalis na kami.



Tahimik kaming naglakad hanggang sa makababa kami. Tumungo kami sa parking area at hindi na ako nagulat ng makita ko si Grey na nakasandal sa pintuan ng driver seat. Ngumiti siya kay Nerd at bumati pati narin sakin.



"Hi Franzine.. Kakaiba ata 'yang suot mo ngayon?" nagtatakang tanong niya pero nakangiti. Ngumiti lang ako sa kanya.



"Walang masuot e.." sagot ko at sumakay sa backseat. Nakita kong pumasok narin si Nerd sa passenger at si Grey sa driver. Pinaandar ni Grey ang kotse at pasimpleng sumulyap sa akin.



Crossing PathsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant