XXXX. Beginning

854 38 0
                                    









Franzine Guillar




Ang buhay hindi natatapos sa isang problema, isang pagsubok at isang hadlang. Kahit na gaano kabigat at kahirap ang pagsubok na nilalabanan mo hangga't nasa isip at puso mo na malalabanan mo 'to mananalo't mananalo ka sa dulo.




Kagaya ng buhay ko, sobrang hirap at madaming pagsubok ang dumating sa buhay ko nadamay pa ang mga mahal ko pero nagawa ko paring labanan ito dahil alam ko pagkatapos nito isang maganda at maginhawang buhay ang makukuha ko.




Isa-isa man kaming nabigo, sabay-sabay naman kaming tumayo para magsimula muli.





"Hey sis, can you hand me the rice?" tanong ni Ate sabay nguso sa kanin. Ngumiti ako at inabot ito sa kanya.





"Thank you. Love you." sabi ni Ate. Napailing nalang ako sa kanya. Ganyan siya lage kapag may sinasabi siya sa 'kin o inuutos, magtha-thank you siya at saka niya dudugtongan ng love you. Napapangiti nalang ako, di ko alam na ganito pala ka corny si Ate.





"Franzine, ikaw na ang magma-manage sa GC's Company." sabi ni Papa. Nagulat ako sa sinabi niya.





"Ako? Ba't ako pa? Diba dapat si Ate dahil siya ang panganay?" tanong ko kay Papa.





"Sis, if you don't know I'm managing the Botique and Dress Frin and also the other company." sabi ni Ate. Nagulat ako sa sinabi ni Ate.




Ganun ka dami ang companya at pag-aari ni Papa?





"Talaga? Maliban sa GC's company may iba pa?" di makapaniwalang tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango.





"Nung iniwan namin kayo ni mama, agad kami naghanap ng paraan ni Papa. We started in a small business pero nalugi kami but it doesn't mean na susuko na kami, kaya we started again and we never knew na magiging succesful ito at lahat ng pagod, sakripisyo at hirap na napagdaanan namin ni Papa ay worth it dahil nakamit namin lahat ng ito." sabi ni Ate. Napababa ako ng tingin dahil nakonsesya ako sa ginawa ko sa kanila noon ng nagpakita sila sa 'kin.





Sinisi ko sa kanila ang lahat pero di ko man lang naisip na nahihirapan rin pala sila para tulungan kami ni mama 'yun nga lang nahuli na sila.





"But now, kailangan mo narin magkatitulo. Kapag nagstart ka na sa company I will change the name at ipapangalan ko ito sa 'yo, right Pa?" sabi ni Ate. Tumango naman si Papa sa kanya.





"O sege." nasagot ko nalang. Nginitian nila ako kaya napangiti nalang rin ako.






***






Anim na buwan narin ang nakalipas simula nung may nangyari samin pagitan ni Carlo. Si Carlo ay nasa bilangguan na. Nakaligtas siya sa ginawa kong pagbato sa kanya ng dagger pero si Mr. Lim ay nawala na. Mukang napalalim talaga ang pagtama ng baril sa kanya. Nung nakaraang buwan lang ay binisita ko si Carlo pero di siya nagpakita sa 'kin. Wala daw siyang mukhang ihaharap pagkatapos ng lahat na ginawa niya sa pamilya ko. Nalulungkot ako para sa kanya kung sana hindi siya naghigante sana magsaya parin kami at magkaibigan.





"Hi Zi!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Hazel na naglalakad papunta sa 'kin.





"Akala ko lalabas kayo ni Jam ngayon? Balita ko nag quit na siya pagiging gangster?" tanong ko sa kanya.




Crossing PathsWhere stories live. Discover now