III. Meet

877 42 0
                                    






Franzine Guillar


Di ako nakatulog ng maayos dahil hindi naalis sa isip ko ang mangyayari ngayon. Ito ang araw kung kailan makikita ko na siya ulit at makikita niya naman ako ulit. Di ko alam kung magiging masaya ako dahil makikita na namin ulit ang isa't-isa o malulungkot dahil iniwan ko siyang nasasaktan noon. Gusto ko mang di magpa apekto pero hindi ko maiwasan.



"Zi, kain ka na." sabi ni Hazel sakin. Himala ata at nagising ito ng maaga. Siguro di naka face time si Jam kagabi.


"Ito na nga oh. Masyado ka namang atat dyan eh." sagot ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at umupo na sa upuan. Umupo rin ako at dumating naman si Aling Pacing sa harapan ko.


Habang kumakain kami ay napatingin ako kay Hazel na padabog na tumayo at tumingin pa samin saglit bago siya nag peace sign.


"Sorry nadala lang. Hehe." sabi niya sabay alis. Napatingin nalang kami ni Aling Pacing sa isa't-isa at sabay na napailing. Kalokohan talaga ni Hazel oh!


Nang patapos na akong kumain ay pagtayo ko dumating bigla si Carlo na nakabihis talaga.




Ano naman ang meron?





"Goodmorning Franz. Teka? Bakit di ka ata bihis? Di ka excited?" bungad niya agad sa 'kin.




Sino bang maeexcite na makita ang ex-boyfriend niya? Tss! Sabagay wala siyang alam.




"Di eh." tipid na sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya.




Naku! Tatanongin ako nito ng marami eh!





"Parang may iba? Bakit di ka excited? Eh nung false alarm na pagpunta ng CEO dun sa companya excited mo pa. Ba't ngayon na tuloy na talaga ang pagdating niya ay di ka na excited? Sabihin mo nga ang totoo? Nakadrugs ka ba?" sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.




Bwesit na lalaki 'to! Gusto ata masuntok sa mukha eh.




"Che! Wala ka ng pakialam dun. Remember? Feelings changed." sabi ko. At ulit tumaas na naman ang kilay niya.




"Feelings changed? Bakit ang layo naman ata—"




"Shut up, Carlo. Binibwesit mo agad umaga ko eh. Tara na nga!" putol ko sa kanya.





Baka kasi san pa mapunta ang usapan. Tss, mahirap na.



Nagpaalam na kami kay Aling Pacing at Hazel bago umalis. At as usual nagbi-bike na naman kami papunta sa companya. Ilang linggo narin namin ito ginagawa kaya nasanay na kami lalo na ako. Nasanay naring nakapalda.


"Franz, gwapo pala ng CEO natin no? Pero di magkakaila na mas gwapo ako." sambit ni Carlo. Kinurot ko namam siya sa bewang. Napaka hangin talaga ng lalaki nato kahit kailan.


"Feeling karin eh. San naman banda ang gwapo dyan sa mukha mo?" tanong ko sa kanya. Di ko nakita ang reaksyon niya pero dinig ko ang malalim na buntong hininga niya.




Anong nangyari sa lalaki nato? Kung makabuntong hininga parang nasaktan siya sa sinabi ko.




"Paano mo naman makikita kung siya parin ang nakikita mo." biglang sambit niya. Di ko alam kung ako lang ba ito o talagang mariin at seryoso ang pagkasabi niya nun.



Crossing PathsWhere stories live. Discover now