XV. I miss you

785 33 0
                                    


Franzine Guillar


Nakatingin lang ako sa balot na hawak ko ngayon habang nandito sa seaside kasama si Carlo. Nag-aya kasi siya sakin na mag-usap daw kami dahil matagal-tagal narin kaming di nagkita at isa pa gusto ko naman talaga siyang kausapin.

"Kanina ka pala nakauwi?" panimula niya.


"Oo." tipid kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba ito, o medyo kakaiba ang kinikilos ni Carlo ngayon. Nakakapanibago kasi dahil dati naman tuwing nagkikita kami ay maingay at makulit siya pero ngayon parang ang tahimik niya ata.


"Kamusta naman kayo ni Mr. Greffin doon sa Cebu?" tanong niya pa sakin. Napatingin naman ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa araw na palubog kaya tumingin nalang rin ako doon.


"Okay naman. Medyo busy at maraming inaasikaso pero okay naman. Natapos rin agad kaya nakauwi rin kami agad." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango pero kakaiba naman siyang ngumiti. Parang malungkot.


"Okay ka lang ba, Carlo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Yan yung kakaiba sa kanya e. Bakit kapag lage akong nakatingin sa kanya ay parang may iniisip siya o problema? Pero, di man lang niya ako sinasabihan para matulungan ko siya.



"Okay lang ako." tipid na sagot niya at tumingin sakin. Ngumiti siya bigla at inakbayan ako.



"Bakit?" takang tanong ko.



"I miss you." sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad kong iniwas sa kanya ang paningin ko.


Bakit ganun? Bakit bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya? Wala lang naman yun e. Natural lang talaga na mamiss niya ako dahil namiss ko rin nga siya e.


"G-ganun ba? Che! Akala ko kasi di mo ako namiss." nauutal na sabi ko sa kanya at tiningnan siya ulit pero nakatingin parin siya sakin. Bakit kakaiba ang tingin niya?


"Namiss kaya kita, kaya nga sinabihan kita ng I miss you diba? Baka ikaw nga ang hindi ako namimiss e." sagot niya sakin.


"Syempre namiss kita. Wala kasing akong tao na naiinis at naasar tsaka walang Caloy doon sa Cebu e. Hahaha!" natatawa na sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang nag-pout na parang bata.


"Ouch naman huh? Grabe ka!" sabi niya. Inismiran ko nalang siya. At bigla nalang naging tahimik ang paligid.



"Namiss talaga kita, Franz. Sana di ka na aalis ulit." sabi ni Carlo. Nalungkot naman ako sa narinig niya dahil hindi naman pwede yung hindi ako aalis ulit, dahil aalis kami sa makalawa ni Nerd papuntang baguio.



"Namiss rin naman kita, Carlo. Pero, aalis na naman kasi ako sa susunod na araw kasama si Mr. Greffin dahil pupunta kami sa Baguio para sa proposal.." sagot ko sa kanya.



"Ganun ba? Edi, mag-ingat ka nalang." sabi niya at biglang tumayo. Tumayo rin ako.



"Uwi na tayo?" tanong niya sakin at tumalikod pero bago pa siya makababa sa cemento ay pinigilan ko siya.



"Carlo, pwede ba akong magtanong?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin na parang nagtataka.


"Ano yun?" tanong niya sakin.



"Bakit hindi mo sabihin sakin ng diretso na may problema ka? Akala mo ba hindi ko mahahalata na may kakaiba kang ikinikilos? May problema ka kaya nagkakaganyan. Kaya please, sabihin mo naman sakin para matulungan kita.." sagot ko sa kanya. Hindi man lang siya nagbigay ng reaksyon sa sinabi ko hanggang sa ngumiti siya sakin ng maliit.



Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon