XIII. Enjoy

770 36 0
                                    




Franzine Guillar



Last day na namin ngayon sa Cebu. Dalawang araw narin kasi ang nakalipas simula nung pumunta kami sa simala at pagkatapos nun ay nabusy na ako sa pagasikaso ng proposal, nakalage nalang ako sa loob ng kwarto para sulatin lahat ng mga reports at files ni Mr. Greffin. Kahapon ko pa hindi nakikita si Nerd siguro busy lang yun sa pagaasikaso rin sa proposal.



Ngayon nakahiga parin ako sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan nakikita ko na ang sikat ng araw. Wala pang gana ang katawan ko para tumayo pero ng makarinig ako ng katok sa pinto ay napatayo ako at binuksan ito. Bumungad sakin ang bagong gising na si Nerd dahil nakapikit pa ang isa niyang mata at magulo pa ang kanyang buhok pero gwapo parin siya.



"S-sir?" nauutal na tanong ko. Nastar struck kasi ako sa mukha niya.



"Have you done all the proposal?" tanong niya. Sa ganito kaaga ay ang proposal agad ang tinanong niya.


"Yes sir. Natapos ko na po lahat kagabi pa. May ipapaasikaso po ba kayo?" sabi ko.




"Okay. No, just asking. Pagkatapos mong magbreakfast, prepare yourself. Mamasyal tayo." sabi niya sakin bago ako tinalikuran. Naiwan naman akong nakatulala. Mamasyal kami? Bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Nerd. Akala ko puro stress lang ang ipupunta namin dito, may enjoyment rin naman pala.



Pagkatapos kung kumain ng agahan ay naligo ako at nagbihis. Sinuot ko yung gray t-shirt ko at tinirnohan ko ng black jean pants at flat shoes. Wala namang sobrang pormal na magsusuot kapag namamasyal lang. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay nakita ko si Nerd na tinutupi ang dark gray na longsleeve niya medyo nakabuhol-buhol ang pagtupi niya kaya nagpresenta ako na ako ang umayos nito.


"You don't have to, I can handle it." sabi niya sakin habang umaambang tinutupi ang suot niya pero di parin naaayos.



"Sir, ako na lang para maayos." sabi ko sa kanya at tinupi ko ang manggas ng suot niya. Habang nagtutupi ako ay napatingin ako saglit sa kanya pero nakita ko siyang nakatingin siya sakin.



"T-tapos na." nauutal na sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak ng damit niya. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kanya.




"Let's go." sabi niya sakin at umunang naglakad kaya sumunod ako sa kanya.


Pagkadating namin sa parking area ay nakakita ako ng isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa driver seat ng kotse.



"Goodmorning Mr. Greffin and Ms. Guillar." bati niya sa amin pagkalapit namin sa kanya. Teka? Siya yung lalaki na humatid sa amin dito sa hotel noon.




"Grey, may alam ka bang magandang lugar dito sa cebu para mapasyalan?" tanong ni Nerd sa kanya. Tumango naman si Grey at ngumiti.



"What do you prefer? Zoo, beach, parks or anywhere?" tanong niya sa amin. Tumingin sa akin si Nerd na para bang naghihintay na may sabihin ako. Teka? Ano nga ba ang magandang pasyalan?



"Ahm...park nalang sir." sabi ko. Kahit ilang beses na ako nakakapunta ng mga park masaya paring balik-balikan, di kasi nakakasawa dahil masaya.



"Okay, we prefer the park." sabi ni Nerd at pumasok sa passenger seat at ako naman ay pumasok sa backseat.




***



1 hour na byahe ang naganap. Medyo malayo rin pala ang park dito sa Cebu pero mukang masaya naman. Una kaming pumunta sa Family Park, maganda naman siya, may maraming tao, may mga tao nga na nagsasalita pero di ko maintindihan. Kagaya nalang nito....



Crossing PathsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz