I. CEO

1K 54 0
                                    



Franzine Guillar

Nagbibihis ako na formal na suot. Hindi naman para sa party para sa grand welcome opening ng CEO ng kompanya na tintrabahuan ko. Graduate ako sa kursong Business Mangement at nagta-trabaho na ako sa isang kompanya kung saan—

"Magandang araw, Franz. Ganda natin ah? Di ka naman halatang excited noh?" Sabi sakin ni Carlo. —kasama ko si Carlo sa  tintrabahoan kong kompanya. Parehas kasi kami ng course na ipinagtapos.

"Anong maganda sa umaga kung ikaw naman ang bumungad sakin? At pakialam mo ba? Kapag nagbihis ng maganda excited agad? Diba munang wala lang?" sagot ko  sa kanya. Inikotan lang niya ako ng mata.

Bakla rin eh!

"Oh? Nandito ka na pala, Carlo. Saluhan mo kami sa agahan. Halika ka dito. Dalian mo narin dyan, Zi." sabi ni Aling Pacing. Tumango naman si Carlo at feel at home na naglalakad patungo sa kusina.

Sarap ring mangarap ng lalaking 'yun eh! Tsk!

Kumakain kami ng biglang may tinanong sakin si Aling Pacing.

"Zi, sino pala ang CEO ng kompanyang tintrabahuan niyo?" napatigil naman ako sa pagsubo ng pagkain.

"Di ko po alam. Di kasi sinabi ng manager namin sa amin. Diba caloy?" sagot ko sabay tanong rin kay Carlo. Ngumuso naman siya ng marinig niya ang panget na pangalan na tinawag ko sa kanya.

"Opo. Bilang bagohan pa daw kami ay hindi pa nila sasabihin ang nasa kataas-taasang larangan sa kompanya." sabi ni Carlo. Tumango-tango naman si Aling Pacing.

Napatingin naman kami sa bagong gising na si Hazel.

"Magandang araw, insan." nakangiting bati ni Carlo kay Hazel.

Makatawag ng insan akala niya pinsan niya si Hazel. Kami nga di pinsan, sila pa kaya? Lakas din mangarap nitong si Caloy eh!

"Insan mo mukha mo! Ma, may ulam pa ba?" sabi ni Hazel. Tumango naman si Aling Pacing.

"Bakit ngayon ka lang gumising? 'Wag mong sabihing magdamag kayong nagfa-face time ni Jam?" tanong ko. Agad naman siyang tumango na parang wala lang.

"Di ka nagsasawa sa gangster na yun?" biglang tanong ni Carlo kay Hazel. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hazel.

Bibig talaga ng lalaking 'to! Tss.

"Mas nakakasawa pa mukha mo." inis na sagot ni Hazel. Napatawa naman ako ng mahina.

"Tama na yan. Kumain na kayo para di kayo malate." awat ni Aling Pacing sa dalawa kaya nagpatuloy kami sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay nagpalaam na kami kila Aling Pacing at Hazel.

"Una na po kami. Ikaw Hazel humanap ka narin ng trabaho para makapag-ipon ka sa kinabukasan mo. Alis na kami!" paalam ko sa kanilang dalawa.

"Una na po kami, Tita. Bye insan. Work work din pag may time. Hahaha!" paalam ni Carlo sa kanila. Inirapan lang siya ni Hazel.

Sumakay kami sa bisikleta ni Carlo. Di naman kami yumaman, parang guminhawa lang ng konti. Medyo malaki kasi ang bike ni Carlo kesa sakin. Sumakay ako sa likod niya kong saan may upuan don at kumapit sa damit niya.

"Pwede mo namang yakapin ang bewang ko para di ka talaga mahulog..... sa iba." sabi niya sakin pero di ko na narinig ang huli niyang sinabi. As if namang gusto kong kumapit sa kanya, kung dili lang ako naka formal attire ay ako ang magbibisekleta kaya lang nakapalda ako na sobrang ayaw ko pero nasanay na naman.

Habang di pa kami nakarating ay panay dampi ng hangin sa mukha ko. Napapangiti talaga ako sa tuwing naiisip ko na wala na akong problema pa. Nalampasan pa namin ang seaside kung saan kita na kita ko ang magandang sikat ng araw. Sarap talaga tumambay dito.

"Franz! Ano kayang itsura ng CEO natin?" tanong ni Carlo. Napaisip naman ako. Di ko alam eh. Ano kaya?

"Di ko alam. Wala akong idea. Siguro bata pa dahil anak siya ng V-President ng kompanya diba?" tanong ko. Nakita ko naman siyang tumango.

Pagkarating namin sa labas ng kompanya ay pinark muna ni Carlo ang bisekleta at ako naman ay inayos ko ang konting buhaghag kong buhok pati narin ang damit ko.

"Asus! Nag-aayos pa akala mo naman may date siya." sabi ni Carlo. Inismiran ko lang siya inunahan sa paglalakad. Bagal niya talaga!

Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang malaking tarpulin na nakapaskil sa ibabaw ang pangalan ng CEO at halos manlamig ako ng binasa ko ito.

S-siya ang CEO?

***

Prince Yonard Greffin

I bid my goodbye to my employees and co-workers here in Korea. Medyo matatagalan ang muli naming pagkikita. Nagkaroon ng malaking salo-salo kagabi at dito narin ako natulog para diretso na ang alis ko.

"Mag-iingat po kayo, Mr. Greffin." sabi ng Manager na si Kasey Jung. Ngumiti ako ng maliit sa kanya.

"Have a safe trip, Mr. Greffin. Sa muli po nating pagkikita." paalam ng second grand ambassador dito sa Korea. Di ko alam kung nakangiti siya dahil sa wakas ay aalis na ako dito o nakangiti siya dahil masaya siya na siya na ang mamahala dito sa Korea.

"Let's go, Mr. Greffin." sabi ni Grey sakin. Tumango naman ako at nagpaalam na sa kanilang lahat bago ako umalis sa kompanya.

Nang nasa private airplane na ako ay hinatiran ako ng pagkain ng isang private flight attendant dito sa upuan ko. Kasama kong umuwi si Grey na may kausap pa ngayon sa kabilang upuan. Malaki ang eroplano pero nasa mga sampu lang ang nakasakay. Pag-aari to ni Dad pero binigay niya na sakin ang Airlines kaya akin nato.

Nakita kong naglakad patungo sa pwesto ko si Grey na may ngiti sa mukha. Umupo siya sa harap ko at ako naman ay nakaabang sa kanyang sasabihin.

"You will be the CEO of one of the famous company in Philippines which is Lim's  Company. At sabi rin ng nakausap ko kanina na they are excited to meet you." sabi niya. Di ko binigyan ng magandang interest ang sinabi niya. I guess uuwi ako dahil sa trabaho at hindi para makasama ang pamilya ko.

"Okay." malamig na sabi ko.

"And about sa inutos mo sa 'kin last week? Yes, she's working on the Lim's Company. And I doubt that your paths will crossed again." nakangiting pahayag niya.

I can't feel anything. I just feel hatred. Di ko alam bakit pero di ako masaya sa ibinalita niya sakin.

"I don't think that's a good idea. Cancel it, i delay mo ng one week. Ayoko muna siyang makita." sabi ko. Napataas naman ang gilid ng labi niya.

"I thought you've already move on? Don't tell me your being coward—"

"Shut up, Grey! Kung wala kang sasabihing importante makakaalis ka na. Wala akong panahon para pag-usapan ang mga bagay na wala na." seryoso na sabi ko sa kanya. Yumuko naman siya na senyales na humihingi siya ng tawad sakin bago siya umalis sa harap ko.

Bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa labas ng bintana. As I watched the clouds, napaisip ako bigla.

What if haharapin ko siya ngayon? Ano kaya ang mangyayari?

Yes, I've already moved on. Matagal na. Pero di mawala sakin ang lahat ng alaala na meron kami noon. It's just.... ang sakit lang tanggapin ng katotohanan na ngayon na kahit wala na akong nararamdaman pa para sa kanya ay di ko parin maiwasan ang maging mahina.

Through all this years, I just want to be strong. Not for her but for myself. Gusto ko na kahit magkita kami ulit ay mahaharap ko siya ng buong tapang. But I guess my best wasn't good enough.


***

Updated na po. Idedecate ko po ito sa reader na laging nagtatanong sakin kung kailan ang update ko. Hahaha!

Dedicated to: @katemiole
Hi :*

Kamsa~

Crossing PathsWhere stories live. Discover now