XXXIX. Forgive

802 34 2
                                    







Franzine Guillar



Nandito na sila.



"Leche! Sino sila?!" galit na sigaw ni Carlo habang nagtatago sa pader. Binaril ko ang iba pang tauhan ni Carlo. Napatingin ako sa mga taong dumating.




Ang sabi ni Papa sa amin kapag hindi kami nagtagumpay na kami lang ay may dadating na back-up. Di niya sinabi kong sino basta sabi ni Papa na magtiwala daw kami sa kanila.



"FG!" napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Nagulat ako at nakaramdam ng saya ng makita ko ang mga dati kong kasamahan sa Badblood.



"AM!" sambit ko sa kanya. Sinaluduhan niya ako at bigla nalang ako hinagisan ng mga dagger. Sinalo ko naman ito.




"Kung ano ang nakasanayan mo rin ang ipagpapatuloy mo." nakangiting sabi. Napangiti ako at napatango sa kanya.





Tumakbo ako patungo kina Haze at Jam. Tinawag ko ang iba kong kasamahan sa gang noon at pinatulungan sila Hazel at Jam na makatakas. Sunod kong pinuntahan sina Ate at Grey. Hinawakan ko ang nakabenda na sugat ni Ate at parang ang dami ng dugo ang nawala dito. Pinatulungan ko rin sila sa mga iba ko pang kakampi.





"Ingatan niyo siya." sabi ko sa tumulong kina Ate. Tumango naman sila bago umalis. Pupuntahan ko na sana sina Papa at Nerd ng biglang humarang sina Mr. Lim at Carlo at isa-isa nilang tinutukan ng baril si Papa at Nerd.




"Subukan mong lumapit at puputok ang bungo ng lalaking 'to." nakangising sabi ni Carlo habang hawak ang leeg ni Nerd at nakatutuk ang baril sa sentido nito. Tinitigan ko ng seryoso si Carlo.




"Itigil mo na 'to, Carlo. Hindi mo magagawa 'to sa 'kin, alam kong naging totoo kang kaibigan sa 'kin—"





"Pwes! Isa kang hangal kung ganun! Kahit kailan hindi kita tinuring na kaibigan, Franz. Puro kasinungalingan lang 'yung pinapakita ko sa 'yo!" galit na putol niya sa 'kin.





"Hindi ko alam na may ugnayan ka pala kay Mr. Lim at nagawa niyo pa maging kakampi." sabi ko at tiningnan ng seryoso si Mr. Lim. Nginisihan niya lang ako na para bang natutuwa siya sa sinabi ko.




"Una't sapul palang ikaw na ang target namin, Franzine. Gumawa kami ng plano para makuha ang tiwala mo at nagtagumpay nga kami. At ngayon, nasa amin na ang alas hinding-hindi ka na namin hahayaang mabuhay pa." sagot ni Mr. Lim at diniin ang baril sa sentido ni Papa. Napahigpit ang hawak ko sa dagger at masamang tiningnan si Carlo.




"Pakawalan niyo sila ngayon din." seryoso at madiin kong sabi sa kanilang dalawa.




"Pa'no naman kung hindi?" nakangising tanong ni Carlo sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin bago sumagot.





"Pagsisihan mo ito at bakit nahantong dito ang lahat." sagot ko. Tumawa naman siya pati rin si Mr. Lim.




"Bigbass!" tawag ni Carlo kay Bigbass. Nakangisi itong lumapit kay Carlo. Binato ni Carlo si Nerd papunta kay Bigbass. May kinuhang kutsilyo si Bigbass at saksakin na sana si Nerd ng binato ko ng dagger ang kamay niya kaya napabitaw ito sa kutsilyo at nabitawan niya rin si Nerd.




Napaatras ang kabilang balikat ko ng mabaril ako ni Carlo. Babarilin na sana niya ulit ako ng biglang tumakbo patungo si Nerd sa 'kin at di ko alam pero parang bumagal ang bawat galaw at pangyayari. Niyakap agad ako ni Nerd at siya ang natamaan ng magkasunod na putok.




Crossing PathsWhere stories live. Discover now