XXVI. Get Started

715 30 0
                                    




Franzine Guillar


Pang-limang araw na namin dito sa Davao at sa susunod na araw ay uuwi na kami dahil may aatend-dan pang event si Nerd sa isang kompanya doon sa Manila. Nagawa ko na'rin ang iba pang bagong ideas at improvements sa proposal at ready to pass na 'to kay Mr. Lim.


Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang inaayos na ang mga gamit ko. Tungkol sa nangyari nung pumunta si Bigbass muli dito? Walang alam si Nerd doon, at hind ko naman talaga ipapaalam sa kanya. Sina Aling Pacing at Hazel naman ay hindi parin ma-contact pero nabasa ko ang binilin na message ni Hazel.



Pero, di ko pinaniwalaan ang sinabi niya... Dahil, bakit naman ata biglaan 'yun? At saka paano namiss ni Aling Pacing ang kumare niya kung madalas naman siya naa pumupunta doon?


Tumayo ako at nagtungo sa pinto ng makarinig ako ng katok. Pagbukas ko nakita ko si Nerd na nakabihis ng panlakad. Nakatingin siya sa 'kin kaya tumingin rin ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.


"Let's go out.." sabi niya sa 'kin. Nagtaka naman ako.


Saan naman? Tungkol ba 'to sa proposal? Akala ko ba tapos na ang mga improvements doon?


"Sige po.. Teka lang at ihahanda ko 'yung mga files—"


"What?" takang tanong ni Nerd sa 'kin.


"Sabi ko, ihahanda ko 'yung mga files para sa proposal... Diba aalis tayo at maghahanap pa kung ano ang pwede pang—"



"No, it's not.. We're going out—not for work.. but for relaxation.." sabi ni Nerd. Napatulala naman ako saglit bago ako mahinang tumango.


Pahiya pa talaga ako! Tss.


"Go and change, I'll wait you here." sabi ni Nerd. Sinara ko muna 'yung pinto bago ako nagbihis. Nagsuot ako ng black skinny jeans, white blouse at flat shoes.


Not for work naman diba?


Paglabas ko ay nakita ko si Nerd na nakasandal sa pintuan ng kwarto niya. Pagkakita niya sa 'kin ay napatayo siya ng maayos. Lumapit naman ako sa kanya.


"Tara na po.." sabi ko kay Nerd. Di siya nagsalita bagkus umuna siyang maglakad kaya sumunod nalang rin ako sa kanya. Habang nakasakay sa elevator ay napapasulyap ako kay Nerd na seryosong nakatingin sa harap.



"Stop glancing at me." nagitla naman ako sa biglaang pagsasalita niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin at marahan na pinikit ang mata ko.


Paano niya nalaman?


"H-hindi naman ako sumusulyap sa 'yo!" sagot ko sa kanya. Narinig ko naman siyang nag-tsk pero di na siya nagsalita pa muli.



Pagkalabas namin sa hotel ay dumiretso kami sa parking lot. Si Nerd ang nagdrive. Pagpasok ko sa passenger seat ay nakita ko si Nerd sa labas na may tinawagan. Sumulyap pa siya sa 'kin bago nagsalita. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay sumakay narin sa driver seat si Nerd. Tumingin nalang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa isang—



Beach? Teka, ano gagawin namin dito?



Pinark ni Nerd ang kotse sa gilid. Lumabas siya kaya lumabas narin ako. Napatingin ako kay Nerd na seryosong nakatingin sa 'kin. Dahan-dahan akong nagtungo sa kanya at nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.




Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon