IX. Information

731 36 2
                                    







Franzine Guillar




Kanina pa ako nandito sa office ko. Hinihintay ko kasing dumaan si Mr. Greffin para sabihin sa kanya na na cancel ko na lahat ng meetings niya this week. Monday ngayon kaya buong week na ito ay ang aatupagin namin ay yung proposal na sinabi niya.


Napatingin agad ako sa harap ng may bumati na mga empleyado. Nandito na pala si Mr. Greffin pero parang malungkot ata siya? Ano bang nangyari? Tsaka kahapon bigla nalang siyang umalis.



Tumayo agad ako at sinundan siya. Pagkapasok niya ay pumasok rin ako.




"Goodmorning sir.." bati ko sa kanya. Napatingin siya sakin bago siya umupo sa swivel chair.




"Is everything settled?" tanong niya sakin.



"Yes sir. Na cancel ko na po lahat ng meetings niyo this week." sagot ko. Tumango naman siya at binuksan ang laptop na nasa harapan niya.



Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.




"About the proposal..." sabi niya. Napaharap naman agad ako sa kanya.




"Yes sir?" tanong ko.




"We have to go tomorrow in Cebu." sabi niya. Teka? Bukas? Sa Cebu?




"Ganun po kabilis? Ahm... I mean akala ko po-"



"Prepare yourself for tomorrow. You can go." putol niya sakin. Tumango nalang ako bago lumabas.



Napabuntong hininga ako bago nagsimula ng asikasuhin ang trabaho.





---



Patricia Chen (Real name of Aling Pacing. Hehehe)





Nandito ako ngayon sa isang companya na pagmamay-ari ng pinakamalapit na tao sa akin. Napatayo ako sa sofa ng may isang babae ang naglalakad patungo sakin. Mukang isa siyang sekretarya dito.




"Ikaw po ba si Mrs. Patricia Chen?" tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Ngumiti siya sakin.





"Please come with me." sabi niya. Tumango ulit ako at sumunod sa kanya.




Sumakay kami sa elevator at pinindot ng babae ang 10th floor. Medyo naghintay pa kami ng ilang minuto bago nakarating doon. Pagbukas ng elevator ay lumabas agad yung babae kaya lumabas rin ako. Sumunod ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa isang opisina. Ito na ba yung opisina niya?



"Nasa loob po siya." sambit ng babae at pinagbuksan ako ng pinto.




Pumasok ako at may nakita akong isang pigura ng lalaki na di ko malilimutan kahit kailan. Siya na ba talaga ito?





"It's nice to see you again, Pacing." sabi niya sabay harap sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang itsura niya. Siya nga! Sobrang tagal narin naming di nagkita.



"Ikaw ba talaga yan, Jed?" di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya sakin at tumango.




"Maupo ka." sabi niya. Umupo ako sa isang sofa at siya naman ay nakaupo sa kanyang upuan.



Napatingin ako sa buong paligid at di ko talaga mapagilang mamangha. Sa loob ng dalawang taon nagkaroon siya ng ganito?




"Alam kong di kapa-kapaniwala pero ito na nga lahat ang naging bayad sa lahat ng sakripisyo na ginawa ko. Pero, huli na pala ang lahat. Nauwi sa wala ang lahat ng sakripisyo ko." matabang na pahayag niya sakin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mapait niyang ngiti habang nakatingin sa isang picture frame.






Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon