XXX. GC's Welcome Party

692 22 0
                                    


Franzine Guillar

Lumabas kami ni Aling Pacing pagkatapos ng kainan na nangyari kanina. Umuwi na 'yung pinangalanan na Friday kasama 'yung mga bodyguards niya at umuwi narin si Carlo pero nanatili pa si Jam at nag-uusap pa sila ni Hazel doon sa loob ng bahay.

Napatingin ako kay Aling Pacing ng marinig ko siyang bumuntong-hininga. Tiningnan niya muna ako at parang sinasabi ng mata niya na sana okay lang sa 'kin ang sasabihin niya.

"Alam kong alam mo ang nangyari sa amin nung nandun ka pa sa Mindanao." panimula ni Aling Pacing. Nakatingin lang ako sa kanya at hinintay pa siyang magsalita muli.

"Pero, iba ang sinabi ni Hazel sa 'yo..." dagdag niya pa. Dun na nagkasalubong ang kilay ko dahil parang di talaga nagsasabi ng totoo sa 'kin si Hazel noon.

"Ang totoo kasi niyan ay hindi talaga kami nagbakasyon o pumunta sa kumare ko." sabi niya pa.

"Ano po ba ang nangyari sa inyo at nawala kayo sa bahay ng ilang araw?" tanong ko.

"Nung araw na umalis kayo ni Prince ay maya-maya lang nun ay may bigla kaming narinig na kalabog ni Hazel sa labas, pupuntahan ko na sana 'yun ng may pumasok na isang tao na may dalang baril at tinutukan kami..." kwento ni Aling Pacing. Naiyukom ko naman ang kamay ko ng maramdaman ko ang pag-akyat ng galit ko sa ulo ko.

Hindi talaga sila pumupili ng kakalabanin nila at talagang idinamay pa nila ang taong malalapit sa 'kin. Tsk.

"Bakit nagsinungaling si Hazel sa 'kin? Ba't di niyo agad sinabi sa 'kin?" sunod-sunod na tanong ko kay Aling Pacing. Napayuko naman si Aling Pacing.

"Ayaw lang namin na mag-aalala ka-"

"Pero, nag-alala parin ako sa inyo dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yun sa inyo!" di ko na mapigilan ang mapasinghal dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Napatingin naman si Aling Pacing sa 'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Pasensya na, Zi. Ayoko lang talaga na mag-alala ka sa amin. At saka, hindi namin kami nasaktan." nag-aalalang sambit ni Aling Pacing. Lumunok ako at bumuntong-hininga kasabay nun ang pagpakalma sa sarili ko.

"Sa'n kayo tumira ng ilang araw nung wala kayo dito sa bahay?" seryoso ngunit malamig na tanong ko kay Aling Pacing. Medyo nagulat siya sa tanong ko at parang balisa na nag-iisip ng maisasagot sa 'kin.

"S-sa-"

"Ma? Zi?" napalingon si Aling Pacing sa likod niya ng biglang dumating si Hazel kasama si Jam. Tumungo si Hazel malapit sa amin at tiningnan kami ng pabalik-balik.

"Nag-aaway ba kayo?" nagtatakang tanong ni Hazel sa amin. Bumuntong hininga ako at napatingin kay Aling Pacing bago nagsalita.

"Pasensya na po sa pagsinghal ko sa inyo kanina." sabi ko bago ko sila iniwan dun at pumasok na sa bahay. Tumungo ako sa kwarto ko at nagbihis. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinalabas ko.

Bakit ganun? Ba't parang lahat ng taong nakapaligid sa 'kin ay nagsisinungaling sa 'kin? May posibelidad ba na pati ang malalapit sa 'kin ay may iniisip na masama sa 'kin?

---

Jam Klein Stewart

Punyeta! Totoo ba talaga 'yung nakita ko? Hindi ako pwedeng magkakamali. Siya 'yun, 'yung babaeng inaalam at binabantayan ko.

"Jam, nakikinig ka ba sa 'kin?" napatingin ako kay Hazel ng tawagin niya ang pangalan ko. Napalingon naman ako sa kanya na nakanguso at nakacross arm.

Crossing PathsWhere stories live. Discover now