XXXV. Family

749 26 3
                                    




Frinnie Guillar



Ano ka na ngayon? Like what I said to you, wala na siyang pakialam. She even rejected Dad's sorry.



Nakatingin lang siya sa 'kin na parang wala lang. Palihim akong napalunok dahil sa pinakita niyang expresyon.



Sana di ko nalang sinabi ngayon.



"So, uhm... what's up?" palihim kong kinurot ang sarili ko dahil sa tinanong ko sa kanya. Naging seryoso ang mukha niya at bigla nalang akong nilampasan at saka siya naglakad patungo kay Mr. Prince Greffin.



"Sir, ito na po ang proposal at nag sign-up na po si Mr. Lim. Kailangan ko pong ulit e-encode 'to." seryosong sabi ni Franzine. I turn my back to them and all I can see is the serious face of Franzine while handing the folder to Mr. Prince Greffin. Sinulyapan ako ni Prince at napangiti nalang siya ng konti.



"Thank you, Franzine. Can we talk for a while—"



"Prince, no! I can talk to her alone." pagpuputol ko sa sasabihin ni Prince.


Kailangan ako ang kumausap kay Franzine. I will face this by myself.


"Tsk! May gagawin pa ako. Sorry sir pero di ko kayo makakausap." sabi ni Franzine at saka niya ako dahan-dahang tiningnan.


"Sorry rin Ms. Frinnie Guillar pero ayokong kumausap ng taong hindi ko pa gustong kausapin ngayon." seryoso at may diin niyang sabi sa 'kin. Yumuko siya at saka siya naglakad palabas pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya ng tangkain niyang hablotin ang kamay niya.


"Franzine, I have to talk to you—"


"Ayoko. Kaya bitawan mo na ako." seryosong putol niya sa 'kin. Okay, natakot ako sa super duper serious face niya pero I'm Frinnie Guillar at wala akong kinatatakotan well except sa alikabok or some small dirty species.


"Franzine, kailangan kitang kausapin. I need to explain all to you para maliwanagan ka at maintindihan mo ang ginawa namin sa 'yo." sabi ko sa kanya. Marahan niyang hinablot ang kamay niya sa pagkakahawak ko at seryoso na naman akong hinarap.


Crossing PathsWhere stories live. Discover now