IV. Changes

867 42 0
                                    





Franzine Guillar


Nanuyo ang lalamunan ko pagkasabi niya nun. Nakatingin siya sa 'kin habang ako naman ay tinitingnan lang ang walang expresyon niyang mukha. Ilang segundo na katahimikan pa bago ako sumagot sa kanya.



"N-nice to meet you, Mr. Greffin." sagot ko sa kanya. Di ko alam kung ako lang ba ito o naging seryoso ang tingin niya sakin na parang sinasabi na nagbago na ang lahat.


"As my secretary you should always there for me whenever I need you, am I right Ms. Guillar?" sabi niya. Tanging tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Umupo siya sa swivel chair at tumingin ulit sa 'kin.


"No lates, no absents, no reasons because you can't make what I assign to make to you." dugtong niya pa.





Tss! Grabe siya ah! Paano kung magkasakit ako? Paano kung traffic at late na magising dahil sa pagod?


"Yes sir." sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya. Isang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa nag-ring ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa. Tumingin muna siya saglit sa 'kin bago sinagot ang tawag.


"Hi Van." bungad niya. Teka? Van? Si Vanessa ba 'yung tumawag? Parang may kung ano na kumirot sa puso ko.



"Yes Van— Yeah! After my work— Sure, I'll pick you up. Goodbye! I miss you too." sabi niya bago binaba ang cellphone. Napayuko ako ng tumingin siya sa gawi ko.


"You can go back to your work." sabi niya. Nakayuko naman akong tumango sa kanya bago umalis. Pagkalabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko.


Kaba, lungkot at sakit ang nararamdaman ko habang nandun ako sa loob. Huminga ako ng malalim bago tuluyang umalis at bumalik sa lobby.




***





"Kumusta ka? Parang lutang ka ah?" tanong ni Carlo. Nandito kami ngayon sa table ko.




Nakichismis kasi ang lalaki na 'to.




"Wala 'to. Okay lang ako noh. Kinakabahan lang." sagot ko sa kanya at nakibit balikat. Ininum ko ang tubig na nasa harapan ko. Break time namin ngayon.


"Parang may napansin ako sa CEO natin. 'Yung sinabi ni Mr. Lim kanina na choosen secretary. Di kaya type ka niya kaya ka niya pinili?" tanong niya sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.


"'Yang bibig mo. Di ako type nun at saka baka nagustuhan niya lang ang mga ginagawa ko dito sa companya kagaya nga ng sinabi ni Manager last week." sagot ko sa kanya. Napaisip naman siya bago tumango.



"Pero iba eh. Parang iba siya tumingin sa 'yo. Type ka talaga nun." sabi niya. Binatukan ko siya dahil kung ano-ano nalang ang sinasabi.



"Ewan ko sayo, Caloy. Bumalik ka na nga sa workplace mo. Baka mamaya makita pa tayo ni Manager eh. Pagalitan pa tayo nun." sabi ko sa kanya sabay tulak. Pero di man lang siya nagalaw sa kinauupuan niya. Napatingin tuloy ako sa kamay ko.




Humina na ba talaga ako?





"Mamaya na Franz. Kain pa tayo. It oh— hahaha!" sabi niya sabay pinakain sa 'kin ang sandwich. Tumawa naman siya ng naging bola ang pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago nilunok ang pagkain.





"Walangya ka talaga, Caloy. Ang sama mo—"





"Do I need to go here just to call you?" napatingin kami sa biglang nagsalita. Si Nerd— I mean si Sir—Mr. Greffin.





Crossing PathsWhere stories live. Discover now