XXXVII. War

628 27 0
                                    





Franzine Guillar


Napatayo ako sa pagkakaupo ng bigla ko matanggap ang kaisa-isang text galing sa isang di kilalang tao.



From: Unknown number

Kung gusto mo pang makitang buhay ang mga kaibigan mo, pumunta ka dito na mag-isa sa **** warehouse. Meron ka nalang  natitirang apat na oras. Ikaw narin ang bahalang maghanap kung saang warehouse kami naghihintay. 'Wag kang mag-aalala papahirapan ko muna sila habang di ka dumadating.



"Franz, okay ka lang?" tanong ni Carlo. Napatingin ako sa kanya pero agad ko namang binawi ang tingin ko at saka ako nagmadaling nagtungo sa bike ko.


"Franz, sa'n ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Carlo sa 'kin. Di ko siya sinagot bagkus ay tinititigan ko siya ng mabuti.



Ba't parang may kakaiba ngayon kay Carlo? At sa tanong niya kanina.. Ba't parang ako ang tinutukoy niyang kaibigan at siya ang ta-traydor sa 'kin? Tsk! Sana mali ang iniisip ko dahil kung hindi, hindi ko rin ipagkakait sa kanya na makalaban ako.


"May kailangan akong puntahan." tipid kong sagot at nagpedal na paalis. Natingnan ko pa sa gilid ng mata ang reaksyon ni Carlo at hindi ko alam kung bakit siya ngumisi sa 'kin.



"Mag-iingat ka, Franzine." rinig ko pang sabi niya. Sa di malamang dahilan ay napaisip ako sa pagtawag niya ng Franzine sa 'kin.


Ngayon niya lang ako tinawag na Franzine. Posible bang may tinatago sa 'kin, Carlo?



Di na ako nag-aksaya pa ng oras at bumalik sa bahay. Pagkarating ko dun ay nakita ko ang cellphone ni Hazel na nasa labas ng bahay. Pinulot ko ito at napatingin sa paligid.



Nasa'n si Ate? Posible bang nakuha rin siya?


Nagmadali akong pumasok ng bahay at nagbihis. Di na ako papasok ng trabaho ngayon. Napahinga ako ng malalim ng napagtanto ko na ano ang sasakyan ko habang maghahanap ng warehouse. Dinial ko ang number ni Jam pero cannot be reach ito. Napahinga ako ng malalim dahil wala na akong magagawa kundi tawagan ang kapatid ko baka may posibilidad na di siya nakuha dahil wala na ang kotse niya dito.



"Hello Hazel?" sagot ni Ate sa tawag. Napahinga ako ng malalim at napalunok bago sumagot.



"Ako 'to, si Franzine." sabi ko. Narinig ko ang pag-oh my gosh niya sa kabilang linya na para bang di siya nag-expect na ako ang kausap niya.



"Ba't ka tumawag? May kailangan ka ba sa 'kin?" tanong niya.



"Nawawala si Hazel. Na-kidnap siya." sagot ko. Narinig ko ang malakas na pagpreno ni Ate ng kotse sa kabilang linya.



"What?! Kasama ko pa siya kanina lang tapos—"



"Pagka-alis mo, posibleng kinuha siya ng di kilalang tao." sagot ko.



"Let's find her." nag-aalalang sabi ni Ate.



"Alam ko. Kaya nga kita tinawagan dahil kailangan ko ng masasakyan para hanapin ang warehouse na kinalalagyan nila. Posibleng hindi lang si Hazel ang hawak ng mga taong dumukot sa kanila, mukang hawak rin nila ang kaibigan kong si Jam." sabi ko.



"Okay, wait for me and I'm on my way there." sagot ni Ate. Binaba ko na ang linya at napahilot sa sentido ko.


Hindi nila pwedeng galawin si Hazel at Jam dahil hindi nila alam ang pwede kong magawa sa kanila. Mga gago sila!



Crossing PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon