XII. Forget

758 32 0
                                    








Franzine Guillar




Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kinusot ko ang mga mata ko ko bago tumingin sa orasan na nasa side table 6:00 am na pala. Tumayo ako at tumungo sa banyo para maligo before 8 kailangan makaalis na kami. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko muna ang iba kong gamit hanggang sa may marinig akong katok galing sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang bellboy na may dalang pagkain.




"Number 247, Ms. Guillar? Breakfast niyo po pala." sabi niya sakin. Tumagilid naman ako para makapasok yung lalaki.






"Si Mr. Greffin ba ang nagbigay niyan sakin?" tanong ko. Tumango siya sakin at nag bow ng konti bago umalis.





Pagkalabas nung bellboy ay naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko kaya kumain na ako. Nagtaka ako ng may makita akong sticky note sa gilid ng pagkain.




After you eat. Just knock at my door. I'm waiting.

-Nerd





Para akong nanigas sa nakalagay sa sticky note lalong-lalo na sa ginamit niyang pangalan. Nerd.
Pagkatapos kung kumain ay lumabas na ako ng kwarto ko at tumungo kay Mr. Greffin. Kumatok ako ng pangatlong beses bago pa siya lumabas na may dalang payong. Teka, bakit may dala siyang payong?





"Sir, bakit may dala kang payong?" takang tanong ko.





"It's hot." sabi niya sabay bigay sakin at sinira ang pinto. Umuna siyang naglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya.




Pagkarating namin sa parking area ay may pinindot siya na gamit na nasa kamay niya at may biglang tumunog na kotse. May kotse pala siya na dinaa dito? Akala ko nandun sa manila yun?






"Get in. Don't think too much, Franzine." sabi ni Nerd sakin. Tumango nalang ako sa kanya bago pumasok. Pumasok rin naman siya sa driver seat.





"Fasten your seatbelt." sabi niya sakin. Sinunod ko naman ito bago kami umalis.





Habang nasa byahe kami ay nakatanaw lang ako sa labas habang tinitingnan ang mga matatayog na gusali na nadadaanan namin. Ang laki pala talaga ng Cebu pero alam kong mas malaki pa ang Manila.




Isa.



Dalawa.



Tatlo.




Apat.




Lima.



"Magstop over muna tayo. Kailangan muna nating kumain ng lunch." sabi ni Nerd. Tama siya, mag aalas dose na nga e. Limang oras narin ang naging byahe namin. Ang layo naman pala ng simala na yun.




Nagstop over kami sa isang Japanese Restaurant. Kumain kami ng mabilisan dahil nakikita na namin ang namumuong traffic. Pagkatapos naming kumain ay balik byahe na naman kami. Nakaramdam ako ng antok kaya inihiga ko muna ang ulo ko sa upuan. Parang makakatulog nga ata ako sa layo ng pupuntahan namin.






"Matulog ka nalang muna. Medyo malayo pa tayo." sambit ni Nerd sakin kaya napatingin ako sa kanya. Tumango ako sa kanya at humikab.





***





Nagising ako ng may naririnig na akong mga busina. Napatingin ako kay Nerd na bumubusina rin kaya napatingin ako sa labas at may mga nakikita akong sasakyan na nakaisahang nakalinya at kasali kami doon. Pumapasok sila sa isang gate—Teka? Nandito na ba kami? Ito na ba yung simala?





Crossing PathsWhere stories live. Discover now