Chapter 27: The Rescue

946 22 2
                                    

Chapter 27: The Rescue

*Hershien's POV*

Kasama ko ngayon si Ayesha at matulin kaming naglalakad na dalawa patungo sa paaralan kung saan matatagpuan si Curfiel, hindi na kasi siya nagpapigil, gusto niyang malaman kung okay lang ba ako sa piling ng lalaking nakaaway niya.

"Saan ba ang paaralan ni Curfiel mo? kanina pa tayo naglalakad dito. Lumalabas na ang mga ugat ko sa paa." Ayesha complained, yan kasi nakahigh heels pa hindi naman kami pupunta sa sagala, ako nga flat shoes lang. At kung maka-CURFIEL MO naman siya akala niya naman kung pagmamay-ari ko talagang ang lalaking 'yon.

"Malapit na tayo sa school nila ayon na oh' kaunting steps na lang." saad ko habang nakaturo doon sa madugo at sira-sirang gate ng school ni Curfiel.

Itinigil na ni Ayesha ang kanyang pagrereklamo at ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad papunta doon sa entrance. Nang makarating nga kami sa harapan ng gate we hurriedly entered it. I could see the astonishment that wraps Ayesha's face, grabe ang pagtatakang mamumutawi sa kanyang mukha. Siguro nagulat lang siya sa environment ng paaralan ang dami kasing basurang nakakalat tapos umagang-umaga may mga naghahabulan at nagsusuntukan na. Ano ba kasi ang paaralan na'to killing field?

"Shien dito ba talaga siya nag-aaral?" pag-uusisa ni Ayesha na pinagmamasdan ang kalagayan ng buong paligid.

"Shien may mga tumatakbo papunta dito sa'tin magpapa-autograph ba sila?" wika ni Ayesha nakatingin kasi siya sa aming likuran.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinila siya, muntik na nga siyang matumba dahil sa lakas ng aking pagkakahatak. Mabilis kaming tumakbo upang makalayo sa mga lalaking papunta sa kinalalagyan namin. Ano naman kayang balak gawin ng mga lalaking ito?

"Bakit tayo tumatakbo Shien?" Ayesha asked with pure curiosity, nakakunot pa ang kanyang noo.

"Hinahabol nila tayo dahil may gagawin silang masama sa atin." mabilis na sagot ko.

"Ganun ba yun? Hindi ba pwedeng hinahabol nila tayo dahil ang ganda-ganda natin." tugon rin ni Ayesha, nakuha niya pa talagang magbiro sa sitwasyon namin ngayon.

"Ang ganda talaga natin Shien, biruin mo 6 na lalaki ang naghahabol sa ating dalawa. Sadyang habulin talaga tayo ng mga lalaki." hindi niya talaga inaalala kung mapapahamak kami o hindi, sabagay first time niya dito sa school kaya ganyan siya, hindi alintana ang pwedeng mangyari.

Habang kami'y tumatakbo bigla na lang tumigil si Ayesha, ang sakit na daw kasi ng kanyang mga paa dahil nga sa nakahigh-heels siya.

"Shien puntahan mo na si Curfiel ako na ang bahala sa mga lalaking ito, ipapalasap ko sa kanila ang alindog ko at kung gaano kabagsik ang aking taglay na kagandahan." pagkasabi noon ni Ayesha ay agad na siyang umatake na parang isang mabagsik na hayop. With all her strength and might nilabanan niya yung mga lalaki. Ba't ang galing din ni Ayesha? Nag-aral ba siya ng Taekwondo? kung makasipa kasi siya lagpas tao.

"Ano pang hinihintay mo Shien tumakbo ka na at tawagin mo na si Curfiel para matulungan niya tayo." wika ulit ni Ayesha habang ako'y nasa likod niya at pinagmamasdan lamang siyang nakikipagbuno at suntukan doon sa mga lalaki. Nakakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamay, sa bawat pagsuntok niya sa mga lalaki ang mga mukha nito'y naaalog at mga ilang sandali pa'y namamaga na. Ang galing ng kaibigan ko.

I trotted going to the room of Curfiel and left Ayesha. I knew that nothing bad will happen to her since I saw how she could use her body parts so well as if she is a real fighter. I thought that Ayesha can protect herself from those six guys who were chasing us. I swiftly ran, maybe just after few minutes Ayesha will feel weary having fist fight with those men. I knew she's in a big trouble at kapag may nangyaring masama sakanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil ako ang nagdala sa kanya sa kapahamakang ito, ako ang nagdala sa kanya sa paaralang ito.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now