Chapter 17: Devil's Explanation

1.2K 33 6
                                    

Chapter 17: Devil's Explanation

*Curfiel's POV*

Pagkalabas nina Mongol sa kwarto kasama si Ate, dumating na rin si Jao na halatang pagod dahil naghahabol ito ng hininga, tumakbo yata siya para lang makarating agad dito.

"Dumating ka pa talaga Jao? Tapos na yung laban." sabi ni Sky nung pagkapasok na pagkapasok niya pa lang.

Pinunasan muna ni Jao ang makapal niyang eye glasses dahil ito'y basa na rin ng kanyang pawis.

"Eh' sa may nakita akong babae do'n sa labas umiiyak, kaya pinatahan ko muna, nakakaawa naman kasi." Jao replied sabay kamot sa likod ng kanyang ulo.

Pero okay lang naman yun kasi hindi naman talaga siya member ng Crucifix Six pero isa siya sa matalik naming kaibigan.

"May awa pa palang natitira sa'yo." sabat ni Zhaic na nakaupo malapit sa bintanang sira-sira. Sumisilip din kasi siya dun kung ano ang nangyayari sa baba. Nasa 2nd floor kasi kami ngayon nag-aantay sa pag babalik nina ate.

"Alam ko maganda ang babaeng yun kaya tinulungan siya ni Jao. Ano Jao tama ba?" tanong ni Xandro sa kanya na parang nanunukso, nakangisi pa siya.

"Ahmmm... medyo." mariing tugon ni Jao, mahihinuha sa boses niya na nahihiya siya. Naisuot na niyang muli ang kanyang eye glasses at naupo na rin sa isang sulok, nag labas ng isang notebook at ballpen sabay nag-sulat. Lagi siyang may dalang notebook sapagkat isinusulat niya lagi ang mga importanteng nangyayari, siya ang inaasahan namin lagi pagdating sa pagkalap ng mga impormasyon.

"Sinasabi ko na nga ba." wika ni Xandro at bigla siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan, ang kanyang itim na mga mata ay nanlaki na naman.

"May girlfriend ako 'no! iba na naman ang pumapasok dyan sa utak mo." pagtatanggol ni Jao sa sarili niya. Sinabi niya iyon habang patuloy pa rin na nagsusulat sa kwaderno.

"Ba't akala mo saken wala!" patawang sabi naman ni Xandro at naupo na itong muli.

"Teka, sino ba sa'tin ang wala pang girlfriend?" tanong ni Brett sabay tingin samin isa-isa.

"Si Curfiel!!" sabay-sabay na sabi no'ng anim na kupal habang nakaturo pa silang lahat sakin.

"Alam niyo malapit ng magkagirlfriend yan si Curfiel, mukhang inlove na do'n sa sarili niyang alipin." Brett uttered na parang may kung anong iniisip.

Napunta na naman sakin yung usapan. Sabi na kasing wala na akong balak magka girlfriend eh, sagabal lang yan sa buhay ko.

"Wala akong panahon sa pag-ibig na yan! puro lang yan kakornihan." I shouted tapos seryoso ko silang tiningnan isa-isa.

"Ang sinasabi mo mga korni kami, gano'n?" sabat ni Sky.

"Bakit hindi ba?"

"Sino kaya ang korni? nakita ko si Curfiel kanina na yakap-yakap nung alipin niya, tapos mukhang kilig na kilig, natatawa nga akong lumabas ng silid, kasi ang korni talaga nilang tingnan." kwento ni Brett sabay may mga aksyon pa siyang ginagawa para mas mailarawan talaga yung senaryo.

Para naman 'tong babae si Brett kung makapag chismis. Boset!

"Talaga? walang basagan ng trip Curfiel ha'." Nagel inserted na nakatingin din sakin ng seryoso. "Akin si Shien, hanap ka na lang ng iba huwag na siya."

"Niyakap ko lang naman siya kasi umiiyak na alangan namang pabayaan ko di ba?" paliwanag ko naman.

"Kita niyo na pati si Curfiel ayaw nakakakita ng babaeng umiiyak. Gano'n din ako kaya tinulungan ko yung babae." sabat naman ni Jao na nakakuha ng pagkakataon para mas palakas pa yung pangangatwiran niya kanina.

Magaling makahanap ng paraan at mga palusot.

"May balak ka pa bang magkagirlfriend Curfiel?" biglang natanong ni Zhaic, na nakatingin sa bintana at pinagmamasdan yung mga pangyayari sa open field.

"Wala!! Ka-flirt pwede pa!" pa sigaw na sagot ko.

"Curfiel what happen to you?" tanong ni Claire pagpasok ng room, batid ko sa kanyang mukha ang pagkabahala.

"Speaking of ka-flirt, nandito na siya." mahinang pagkakasabi ni Sky sabay subo muli ng kanyang lollipop.

"Bakit ka ba nagpabugbog? I know na hindi ka madaling matalo, pero bakit ganito?" she added na sobrang nag-aalala.

Si Eury Claire isa sa mga babaeng nagmamahal saken, assistant siya ng isang professor dito, at malaki rin ang naitutulong sa academy.

Dalawang taon na siyang nakapag-aral dito pero ngayon huminto na siya kasi mas pinili niyang taposin ang ibang course sa isang normal na unibersidad. Hindi gaya ng academy nato na hindi Ka makakahanap ng kapareho Kahit galugarin mo ang buong mundo. This school is one of a kind. At halos 50 years na din itong pinapalakad ng pamilya namin.

Kapag naging totoong Mafia ka naman ay mabilis na ang pagpasok ng pera sayo, kailangan mo nga lang pumatay at gumawa ng mga bagay na illegal.

"At sino naman ang babaeng yan?" Tanong ni Claire nong makita niya si Hershien na pumasok sa silid. "Mafia rin ba siya?"

"She's my slave Claire. Why?" sagot ko at tiningnan niya si Hershien mula ulo hanggang paa.

"Huwag kang mag-alala Claire hindi naman ito malubha." dagdag ko pa, lumapit siya sa akin at tiningnan ang mga parte ng katawan kung may mga pasa at sugat.

"Ito ba 'yong hindi malubha?" alam kong galit siya sapagkat mahal niya ako, ayaw niyang nasasaktan ako.

"You know what  Eury we are all  used to endure pain, sanay na kaming araw-araw ay nasusugatan at nasasaktan, kaya huwag mo ng isipin si Curfiel, kagat lang ng langgam yan para sakanya." mahabang salaysay ni Nagel, nakabuka pa ang kanyang libro habang nagsasalita.

" Alis na rin naman agad ako, baka hinahanap na ako ni Professor. Alagaan niyo muna si Curfiel para sa'kin. Thanks guys! " at umalis na nga si Claire habang nakatingin kay Hershien. Iba talaga mag-explain 'tong si Nagel. Kahit papano' y nagagamit rin niya ang mga natututunan sa librong kanyang nababasa.

" Obsess naman siya masyado sa'yo Curfiel. Pag bigyan mo na kasi. " saad ni Brett sakin na akala mo'y ganoon lang kadali ang lahat.

"Brett, kung gusto mo siya ligawan mo. Marami ka namang girlfriend Di ba?" hindi rin kasi mabilang sa mga kamay ko kung ilan na ang babae niya.

"Nagsasawa na nga rin ako sa girlfriend e, gusto ko naman ngayon ay boyfriend." lumapit siya kay Jao at hinalikan ito sa pisngi.

"Gago!!" Jao yelled. Nagulat siya sa biglang pagdampi ng mga labi ni Brett. "Ang bakla mo, bwisit ka!!"

At tawanan kaming lahat dahil halatang galit na galit si Jao. Namumula pa ang kanyang mukha habang nagsasalita.

"Biro lang. Kalmahan mo lang. Chill. Hindi tayo talo. " natatawa pa si Brett habang inuusal ang mga katagang iyon.

Nanahimik na lang si Jao at nagsulat ng muli sa kanyang kwaderno.

*******

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now