Chapter 37: Evil Sweet Plan

165 11 0
                                    

Chapter 37: Evil Sweet Plan

*Hershien's POV

Napagdesisyonan din ng tatlo na maligo na dahil pati sila'y naaamoy na din ang isat-isa.

"Shien, the CR can accommodate three persons di ba? Sabay-sabay na lang kami." Sabi ni Curfiel. Tumayo na silang tatlo at hinuhubad na agad ang suot nilang pang-taas

"Sabay-sabay kayo? Baka kung ano na naman ang gawin niyo sa loob." Biglang singit ni Paine na nakatayo sa may likod ko.

"Want to join us baby?" Tugon ni Sky kay Paine at ngayon nakahubad na yung tatlo. Medyo napalunok laway si Paine sa nakita niya.

"Hindi porket gwapo at may malalaking abs kayo eh sasama na agad ako saenyo. Ibahin niyo ko sa mga babae niyo." Pagalit na sabi ni Paine, mukhang iba yata ang ihip ng hangin ngayon hindi siya paeasy to get.

"Wag na nga kayo mag-away. Tara na!" Malakas na sambit ni Curfiel, kaya natigil na rin yung dalawa tapos naglakad na papalapit sa CR.

Makatapos ang ilang mga hakbang natigilan si Curfiel sa paglalakad.

"Teka, wala pala tayong pampalit ng damit." Naalala niya bigla at nagtinginan silang tatlo.

"Meron kaming mga damit dito, pahiramin ko kayo tutal mga bading naman kayo." Tugon ni Ayesha na nagising dahil sa ingay.

"Anong bading ang pinagsasabi mo? Gusto mong halikan kita ha!?" Sabat ni Zhaic, naglakad siya papalapit kay Ayesha at inilalapit niya pa ang kanyang mukha sa kaibigan ko. Samantalang si Ayesha naman ay matapang na nakikipagtitigan kay Zhaic.

"Ano hindi mo magawa? Bakla ka kasi!" Paghahamon ni Ayesha sa harap nang mukha ni Zhaic.

At walang anu-ano hinawakan ni Zhaic ang likod ng ulo ng kaibigan ko at kinabig ito upang mahalikan sa labi si Ayesha.

Si Paine naman ay agad agad na tinakpan ang mata ng kapatid kong si Anne.

Natigilan si Ayesha, unti-unti siyang namula. Namumula siya dahil sa sobrang galit. Hinampas-hampas niya si Zhaic subalit hinaharang naman ito ng lalaki.

"Nasarapan ka 'no? Ang tamis ng labi ko di ba?" Pang-aasar niya pa dito.

"Walangya ka!! Nakakadiri ka!" Patuloy pa rin ang kaibigan ko sa paghampas sakanya.

"Tara na nga! Binitbit nung dalawang lalaki si Zhaic papuntang CR bago pa lumaki ang gulo.

" Meron kaming pampalit. I brought here a bag I left it there at the back of the door. Pakikuha na lang Shien para samen." Saad ni Sky habang tinuturo yung itim na bag na dala niya at pumasok na rin sila sa CR at ni lock ang pinto.

Nagdala talaga siya ng bag. At itinago niya pa sa likod ng pinto. Ano bang naisipan niya?

Kami namang apat na naiwan dito sa may sala nakaupo sa sofa ay naguusap-usap.

"Swerte mo naman Yesha, nahalikan ka nong gwapong lalaki." Pabirong wika ni Paine habang nakahawak sa kanyang mukha na parang kinikilig.

"Ang landi ha! Gusto mo ipasok kita don sa loob ng CR?" Tugon sakanya ni Yesha na parang balewala na lang sakanya ang nangyari kanina.

"Sige ba! Yun lang pala eh!" Hamon sakanya ni Paine.

"Talagang tigas na tigas, pasok na pasok at sagad na sagad na yang kalandian mo Paine." Wika ni Yesha. Tumayo na siya at umalis, hindi ko alam kung saan siya pupunta.

"Kanina ayaw mo! Papasama sana si kuya Sky ayaw mo naman. Dont us ate Paine." Sabi sakanya ng kapatid ko na nakatabi sakin ngayon.

"Kelangan medyo demure muna, dapat hindi ura-urada ang bigay." Katwiran ni Paine.

"Diyan na muna kayo ha' kukunin ko lang yung bag ni Sky." Sabi ko sakanila at tumayo nako para kunin ang bag na nakalagay sa likod ng pinto malapit sa hardin.

Pagbalik ko wala na yung dalawa. Di ko man lang namalayan ang pag-alis nila.

"Hi Ate ganda!!" Malugod na bati saken ni Diael na karga karga ngayon ni Paine. Umuwi kasi siya kanina matapos namin maglinis baka daw kasi mapagalitan siya ng mommy niya.

"Nakita namin siya sa labas sinusubukang abotin yung doorbell sa pamamagitan ng kahoy. " sambit ni Paine habang hinahalik-halik niya pa ang bata at inibaba na niya na ito.

"Ate, nasan po si Kuya Gwapo?" Tanong saken ni Diael.

"Naliligo sila ngayon. Bakit mo sila hinahanap?" Sabi ko at lumuhod ako para mas makausap siya ng maayos.

"Sayang maglalaro sana kami." Malungkot na sabi ni Diael at mas lalo pa siyang naging cute.

"Eh di antayin na lang natin siya." I said to cheer him up.

"Sige po!" Masayang tugon niya saken.

Niyaya ni Anne si Diael upang maglaro. At sumama naman yung bata sa kapatid ko.

Makalipas pa ang ilang minuto.

"Ang sarap talagang maligo." Sabi ni Zhaic habang pinupunasan ang buhok niya gamit ang isang handerchief.

Lumabas na silang tatlo, tapos na silang maligo. Tinatakpan ng tuwalya ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

"Naku Shien ang sarap talaga ng mga abs nila, sarap tanggalin nung tuwalya." Pabulong na sabi saken ni Paine.

Naglakad silang tatlo papalapit samen.

"Shien nasan yung bag ni Sky?" Tanong ni Curfiel saken. Sa basa at magulo niyang buhok ngayon masasabi kong ang gwapo niya nga talaga. Ang moreno niyang kulay, makisig na katawan, mapulang mga labi... Ano ba 'tong naiisip ko?

"Hoy Shien! Bat natulala ka diyan?" Inaalog pa ni Paine ang katawan ko habang sinasabi yun.

"Shien ngayon mukhang nagagwapohan na sa mga lalaking nasa harap namin ngayon." Dagdag niya pa.

"Ayon nasa may ilalim ng table malapit sa sofa." Sagot ko kay Curfiel at nakatitig siya saken ng maigi.

Nakita kong napangisi si Curfiel. Anong akala niya na totoo yung sinabi ni Paine hmmmm..

After they got the bag, opened it and get the clothes, nagbihis na rin agad sila. Hindi man lang nila naisipan na nandito kami ni Paine. Ayaw ba nila sa CR na lang magbihis? ~.~

"Ako na lang magbibihis saenyo." Pabulong na sabi ni Paine sakanyang sarili.

Kami na lang ang tumalikod, ay este ako lang pala kasi si Paine nakatitig sakanilang tatlo.

"Paine, ikaw na muna magbantay sa kanila maliligo din muna ako." Si Paine na muna magbantay sa mga lalaking iyon baka kasi may gawin silang masama na hindi ko namamalayan.

Pupunta ako sa kwarto kasi I have my own CR sa loob ng bedroom ko. I went upstairs at nakasalubong ko si Ayesha na naligo din yata sa CR ng kwarto ko.

"Shien! Nakiligo lang ako ha! Hindi nako nagpaalam." Sabi ni Ayesha saken.

"Ok lang, I'm going to take a bath din Ayesha bantayan mo kina Curfiel nasa baba pa sila." I replied before she went downstairs. Ngiti lang ang isinagot saken ni Ayesha.

Baka mag away na naman sila doon. *sigh* Masyado pa namang presko sina Curfiel, masyadong gwapong-gwapo sa sarili.

(Gonna update the continuation soon)

The Seven Princes of Mafiaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें