Chapter 21: Slave Princess

1.3K 29 3
                                    

Chapter 21: Slave Princess

*Curfiel's POV*

Nasa may tabing dagat kami ngayon ni Mongol pinapanuod ang bawat paghampas ng mga daluyong sa malalaking tipak ng bato, dinig namin ang huni ng mga ibon na lumilipad sa taas ng karagatan upang makahuli ng isda na pwedeng kainin nito.

Ang bilog na araw ay pababa na at magtatago na sa ilalim ng kabundukan, kinukulayan niya ang langit ng magkakahalong pula, kahel, lila at matingkad na dilaw.

"Hershien! saan ka pupunta?" I shouted because she was walking away from me.

Kaya naman ay tumayo ako at tumakbo papunta sakanya.

"Huwag kang umalis." sabi ko nang maabutan ko siya at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.

"Mahal kita Hershien, huwag kang lumayo... huwag mo 'kong iiwan." sabi ko at niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.

Ang mga paa namin ay naaabot na nang alon mula sa dagat.

Humarap saken si Hershien at niyakap niya rin ako pabalik. Nakasandig ang kanyang ulo sa aking dibdib. Naaamoy ko ang halimuyak ng kanyang maitin na buhok.

"Mahal din kita Curfiel pero hindi tayo pwede sa isa't-isa." sabi niya habang hinahampas ako sa aking dibdib at umiiyak.

Hinawakan ko ang kanyang maliwanag na mukha na maaliwalas dahil sa kakaibang sinag.

Tumingin muna ako sandali sa malawak at bughaw na karagatan na kumikislap dahil sa ilaw na ibinibigay ng palubog ng araw.

"Huwag mo akong iiwan dahil hindi ko kayang wala ka sa tabi ko." tumingin ako ng diretso sa kanyang nagniningning na mga mata.

Idinikit ko ang aking noo sa kanyang noo habang unti-unting kinakain ng kadiliman ang buong paligid.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking mga labi sa mga labi ni Hershien. Nakapikit kaming dalawa ramdam ang pagmamahal ng bawat isa.

Hinalikan rin ako ni Hershien pabalik at...

*Boogsh*

Bigla akong nahulog sa aking kinahihigaan.

Putek na panaginip yan, isang bangungot! Yakap-yakap ko pa ng mahigpit yung unan habang hinahalikan.

Siguro dahil sa kakaisip ko sa kanya buong magdamag pati tuloy sa panaginip siya pa rin ang laman ng nababaliw ko nang utak.

"Oh Curfiel, gising ka na pala... mukhang ang ganda ng panaginip mo ah'." sabi ni Ate at bigla na lang siyang ngumiti. Nasa loob kasi siya ng kwarto ko nilalapag yung pagkain sa isang maliit na mesa.

Dafuq! ano nang nangyayari sa mundo? bakit ako nagkakaganito? napakakorni ng panaginip ko!

"Ayos na rin naman ako Ate, bakit dinala mo pa dito yung agahan ko? kaya ko nang maglakad, hindi na rin masakit ang kaliwang kamay ko" sabi ko sakanya bago siya lumabas ng pintuan.

"E di dalhin mo na lang yang pagkain sa baba." sabi niya at lumabas na ng aking silid.

Hindi na masakit ang katawan ko dahil nakapagpahinga ako ng mabuti, hindi kasi natuloy yung date namin ni Claire, mukhang galit nga siya eh, pero wala naman akong nagagawa alangan namang alalayan niya ako habang nagdidate kami.. iniisip ko pa lang yung gano'n naaasiwa na ako.

Bumaba ako dala-dala yung pagkain, ramdam ko pa rin ang kunting kirot sa katawan ko sa bawat hakbang.

"Ibinalik na ba sa'yo ni Mongol yung mga I.D?" tanong ko sa kapatid ko at naupo na'ko sa harapan niya.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon