Chapter 29: Remorseful

890 23 6
                                    

Chapter 29: Remorseful

*Hershien's POV*

The days passed by natapos ko na ang pagiging slave ko kay Curfiel nakalipas na kasi ang isang buwan ng paghihirap, paghihinagpis at pagtitiis ko, buti na lang talaga at tumupad siya sa aming napag-usapan.

Simula no'ng nailigtas ako ni Nagel hindi na ako pinapunta ni Curfiel sa kanilang magulong paaralan, pinagsilbihan ko na lamang siya sa kanilang bahay. At dahil sa tapos na nga 'yon kahit kailan ay hinding-hindi na ako babalik sa bahay nila, sa wakas babalik na rin ako sa pamumuhay ng normal at matiwasay.

Dumating na 'yong araw ng presentation ng aming project, sobrang pinaghandaan ko ang aking mga sasabihin pati ang mga pictures ay pinaganda ko talaga, nilagyan ko ang mga ito ng iba't-ibang designs, syempre hindi diyan mawawala ang flowers, butterfly at glitters kaya naman nagmukhang garden ang proyekto ko. Mahilig din kasi ako sa makulay at makikinang na mga bagay.

Ang presentation ng aming project ay nangangailangan ng magandang explanation kung ano ang mga experiences namin ng isang buwan sa taong aming ginagabayan, kung ano ang aming mga natutunan at kung ano ang mga bagong pag-uugali na aming naramdaman bago namin sila iniwan.

Nasa classroom ako ngayon at nagsisimula na ang mga kaklase ko sa pagpepresent ng kani-kanilang mga ginawang proyekto, at halata na ito ay pinaghandaan rin nila ng maigi. Ang gagaling nilang mag-explain, yung talagang makukuha ang iyong attensyon sa bawat salitang kanilang binibigkas, English pa naman yung explanation buti na lang at walang nagrereklamo kasi pwede naman magtagalog ng kaunti. Ang gaganda rin ng mga designs nila may mga ribbon pa at origami.

"Shien ikaw na magpepresent." mariing sabi ni Ayesha habang nakadungaw papunta sa kinauupuan ko, sa sobrang kakaisip ko ng aking dapat na sabihin ay nakaligtaan ko nang ako na ang susunod.

"Ah oo nga pala." tumayo na ako at naglakad ng dahan-dahan papunta sa unahan habang dala-dala 'yong aking project na aking pinaganda at pinaghandaan ng lubosan.

"Good Morning Classmates, this is my work, my project, my masterpiece that I've prepared for one month of hardwork and struggle." ang paunang bati at introduksyon na aking sinabi. Ang aking mga kaklase ay ay seryosong nakikinig sa akin, diretso silang nakatingin sa unahan at hindi gumagawa ng kahit na anumang ingay.

Ibinuklat ko ang isang pahina at ipinakita ang mga larawan na nakadikit doon at ipinagpatuloy ang pagbibigay ng eksplenasyon.

-End of Hershien's POV-



*Curfiel's POV*

Nasa loob ako ngayon ng paaralan ni Hershien nanunuod sa kanya habang siya ay nagpapaliwanag sa unahan, kaya pala parati niya akong kinukunan ng larawan dahil gagamitin niya para rito. Sumisilip ako ngayon sa likurang pintuan ng kanilang silid habang pinapakinggan ang mala-musika niyang boses at tinig. Hindi naman ako naririto para pagmasdan lamang siya, naririto ako dahil sa isang mas matinding rason.

Ibinuklat niya na ang unang pahina.

"In the rising and setting of sun I was by his side. I met him in a bad situation for no purpose and particular reason. I met him by fate, by destiny, he was so cruel, so rude, he was so devilish..." seryosong pagpapaliwanag ni Hershien sa kanyang mga kaklaseng nakatuon lamang ang atensyon sa kanya, ibinuklat niya pa yung isa pang pahina.

"At first he is my nightmare but turns to be my sweet not dreams but reality, at first he is my devil but he turns to be my angel, my protector and my knight in shining armor..." Bawat salita na kanyang sinasabi ay aking pinapaikot sa aking utak pababa sa mabilis na tumitibok kong puso.



The Seven Princes of MafiaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin