Chapter 25: Happiness (Part 2)

1.1K 26 1
                                    

Chapter 25: Happiness (Part 2)

*Paine's POV*

"Ahhhh... ummmm... ohhh..." the moaning and groaning we heard that echoed inside a room adjacent to us.

"Mga tao talaga, kadalasan hindi sinusunod yung 10 commandments pero yung GO AND MULTIPLY hindi nakakalimutan, kagaya niyan hapon na hapon nagpapakarami." I spoke na parang nangangaral sa mga kaibigan ko.

"Huwag kayo mag-alala ako bahala." biglang sambit ni Ayesha, tumayo siya mula sa sofang kinauupuan niya at naglakad papalapit sa dingding na naghihiwalay sa mga kwarto namin.

"Pwede ba! Maghanap kayo ng sound proof na kwarto! May pa Ah! Oh!, Ah! Oh! pa kayong nalalaman diyan." malakas na pagkakasigaw ng kaibigan kong palaban.

Pagkasabi niya no'n ay biglang natigil ang nakakakilabot na ungol na nanggagaling sa kabilang kwarto at bigla rin kaming natigilang magkakaibigan sa pagsasalita sapagkat nag-aantay kami ng sagot mula sa mga taong nasa kabilang silid.

"Hala ka Ayesha! Nagpapakasarap yung mga tao sa kabilang kwarto ginagambala mo." basag ni Sophia sa namamayaning katahimikan.

Nandito kasi kami sa apartment na nirerentahan ni Sophia at ng kapatid niya, patay na kasi ang mga magulang nila at  ate niya na lang ang kasama niya at nagpapa-aral sa kanya.

At kaya kami nandito dahil wala kaming nahanap na palay na matutuka, at kaya rin kami naririto para tingnan kanyang  kalagayan.

Maya-maya pa ay may narinig kaming mga yabag ng paa na papalapit sa aming kwarto.

"Magsi-ayos kayo, mukhang papunta dito yung tao diyan sa kabilang kwarto."payo samin ni Sophia kaya naman kanya-kanya na kaming kuha ng props na maaari naming magamit.

Ako? kumuha ng magazine at nagkunwaring nagbabasa. Si Ayesha kumuha naman ng headset at nagkunwaring kumakanta habang nakaupo ulit sa sofa. At si Sophia naman naupo sa isang monoblock chair, humarap sa isang malaking salamin sabay kuha ng lipstick, blush on at suklay, nagkukunwaring nagpapaganda.

Hindi rin nga naglaon ay may kumatok na sa pintuan.

"Ako na magbubukas ng pinto." sambit ni Chester at tumungo na siya para buksan yung pinto.

Classmate din namin si Chester, gwapo siya ang kaso bakla nga lang. Nakita kasi namin siya kanina kaya naki-join na rin siya sa rampa.

Pagbukas niya ng pinto agad na tumambad sa amin ang isang napakagwapong lalaki at topless siya kaya naman kitang-kita ang matipuno niyang pangangatawan. So? ano pa ba ang aasahan natin? eh di yung bakla tulaley, na parang naglalaway na. *maldita laugh*

"Yes, ano po yun?" magalang na pagkakasabi ni Ches no'ng ma-overcome niya na ang taglaway moment.

"Kayo ba yung sumigaw kanina, nagpapamasahe lang naman ako sa katawan." giit no'ng lalaki sabay ngiti kay Ches, ang baklang 'to ang swerte.

"Ay hindi po kami yun, busy po kaming lahat dito, tingnan niyo po. Baka yung mga bata lang po diyan sa labas yung sumigaw." palusot ni Ches at mukhang naniwala naman yung lalaki dahil nakita niya na busy talaga kaming lahat sa loob ng kwarto.

At hindi rin nagtagal ay naglakad na yung lalaki pabalik sa kwarto nila.

"Ang galing mo talaga Ches."wika ni Sophia sabay bitaw sa hawak niyang suklay.

"Naman! Sa ganda kong 'to di siya maniniwala." sagot ni Ches sabay pose ng pang beauty pageant at umikot siya na akala mo' y si Catriona Gray.

"Hindi ka maganda Ches, kundi napakaganda." sabat ko naman sa pag-uusap nila at inilagay ko na yung hawak kong magazine sa ilalim ng maliit na table.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon