(1st Part) Chapter 7: Undeniable Crush

2K 53 12
                                    

1st Part Chapter 7: Undeniable Crush

*Hershien's POV*

*6pm*

Pag gising ko agad na lang akong napahawak sa ulo ko at grabe rin ang sakit ng katawan na nararamdaman ko, parang gusto ko pang matulog pero hindi pwede eh' may pasok pa kami ngayon sa school. Kaya naman pinilit ko na lang ang sarili ko na makatayo upang makapasok ako sa paaralan at hindi umabsent.

"Shien, kailangan naming pumunta sa ibang bansa ng daddy mo for  business purposes ikaw na muna bahala sa kapatid mo, then kung may kailangan kayo nandiyan naman si ate yani niyo." mommy said while were eating our breakfast. Nong pagkasabi niya na parang mas lalo pa akong nanghina. Halos di nga namin sila makasama tapos pupunta pa sila sa mas malayong lugar. Nakakapanghina talaga.

"Mommy ilang days po ba kayo dun?" Ahtna Anne, my sister inquired sabay subo ng kutsara na may nakalagay na hotdog.

"Mga 2 months din kami dun." daddy answered habang hinahaplos ang ulo ng Kapatid ko.

"Ok po." malungkot na sagot ng kapatid ko, at sumimangot na lang siya Kahit may laman pang pagkain ang bibig niya.

"Anne, don't worry, pag may kailangan ka I'm always here to help you." sabi ko sa kapatid ko- 2nd year high school na siya.

Hindi na siya sumagot bagkus she just gave me an approving smile. At nagpatuloy na siyang kumain.

"Sige po Dad, Mom, mali-late na po kasi ako sa klase." I said then nag-kiss na muna ako sa kanila bago umalis.

*@ Heaven's Ethos Academy*

Naglalakad ako papuntang classroom- nasa pavements ako ngayon mag-isa hinahanap ng mga mata ko si Ayesha pero di ko siya makita. Marami rin estudyante ang nasa gilid ng pavements na naguusap-usap at nagtatawanan.

"Good Morning." sabi ni Xryszian isa sa mga flockmates ko. (flockmates ang tawag namin, hindi talaga classmates. We are treating ourselves as if we have wings just like angels.)

"Good morning din." I replied sabay tingin at ngiti sa kanya.

"Sabay na tayo papunta sa classroom." then tumakbo siya papalapit sakin.

Ang swerte ko naman ngayon- kasama ko papunta sa classroom yung crush ko-- opo crush ko si Xryszian pero hindi naman niya alam kasi hindi ko sinasabi sa kanya at wala akong planong sabihan pa dahil masaya na ako na magkaibigan lang kami- baka pag nalaman niya iwasan niya na ako.

Maraming babae ang may gusto sa kanya- sabi daw nila dahil gwapo si Xyrszian- ako crush ko siya dahil ang bait-bait niya...siya ang pinakamabait na lalaking nakilala ko.

"Mukhang ang saya natin ngayon ha'?" hindi namin alam ni Xyrszian kung sino ang nagsalita, then pagtingin namin sa likod nandun si Ayesha nakawagas na smile.

"Di ba dapat everyday tayong masaya." Xryszian replied.

"Oo tama ka!"sagot naman ni Ayesha at nakatingin siya sakin na parang kinikilig.

"Hershien nakagawa ka na ba ng mga assignments?" Ayesha asked me.

"I forget to answer..." nakalimutan ko na dahil sa sobrang pagod... ang Curfiel kasing yun.

"Meron ako, gusto niyo kopyahin niyo na lang." sabi ni Xryszian samin- oh' di ba ang bait niya talaga at responsible pa. Hindi gaya ng ibang lalaki na walang ibang alam kundi ay mangopya.

Sa classroom agad na rin naming kinopya yung mga sagot sa assignments namin... ang ganda ng sulat ni Xryszian- mas maganda pa sa sulat ko.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now