Chapter 38: Even Sweeter Plan

145 8 1
                                    


Chapter 38: Even Sweeter Plan

*Hershein's POV

Noong natapos na akong maligo at makapagbihis agad na rin akong bumaba para tingnan ko ano nang kalagayan nila. Nag-aalala ako baka kasi may kung ano nang nangyari.

Nadatnan ko sina Diael at Curfiel na naglalaro ng eroplano samantalang si Paine ay nakikipag-usap naman kay Zhaic at Sky. Bakas sa mukha ni Curfiel ang kasiyahan sa pakikipaglaro kay Diael.

"Nagugutom ka na ba Diael?" Tanong ko sa bata noong makarating ako sa pwesto kung saan sila naglalaro.

"Hindi pa po ako gutom mommy!" Sabi niya saken, ngumiti siya at naglarong muli.

Ayan na naman siya sa pagtawag niya saken ng mommy utos na naman ba ito ni Curfiel?

"Marami pang laruan don si Anne gusto mo kunin ko?" Inalok ko siya ng mas maraming laruan pa.

"Ayaw niya ng ibang laruan gusto niya eroplano lang." Sagot ni Curfiel na karga-karga si Diael habang hawak nito ang laruang eroplano.

"I am not asking you Curfiel." I replied to him.

"You know the reason why? Kasi pangarap ni Baby Diael na libutin ang buong mundo kasama ang taong mahal niya." Deretso lang siyang sumagot saken.

Tinignan ko lang si Curfiel, naging spokeperson na siya ni Diael.

"Pero ako makasama lang ang taong mahal ko, okay nako don kahit hindi ko na libutin ang buong mundo. Nasa harap ko na kasi siya ngayon." He added tapos inilapit niya ang mukha niya saken sabay ngiti.

"Nyee nyeee ang corn-knee! Mais-tuhod!" Medyo maarteng pagkakasagot ko sakanya.

"Yieeee nag-aaway na naman sila!" Singit ni Paine lumapit na rin kasi sila samen kasama sina Zhaic at Sky na nakangisi rin.

Nakita ko rin ang pagpasok ni Ayesha galing ulit siya sa hardin. Nakatingin siya saken na parang may ibig sabihin. Sa tingin niya pa lang alam ko na kung ano ang gagawin.

"Bat di na lang tayo maglaro ng taguan baby Diael gusto mo ba yun?" Suggestion ni Paine kay Diael nakarga karga pa rin ni Curfiel.

"Sige po. But I want that all of you will join." Tugon ni Diael.

Pumayag kaming lahat na sumali. Pero ang gusto ni Diael kami ang magkakampi ni Curfiel pumayag na rin naman agad ako. Kampihan na daw para mas madali mahanap, kawawa naman daw kasi pag mag-isa.

"Si Kuya Zhaic nalang kakampi mo Baby Diael ha." Sabi ni Zhaic kay Diael tapos kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Curfiel.

"Sige po! Wag po nating pahirapan si Mommy at daddy ah." Masayang tugon ni Diael.

Oo kami ang taya ngayon ni Curfiel, ok lang yun kasi alam ko naman lahat ng mapagtataguan dito sa bahay namin. Lahat ng kasuloksulukan alam ko.

"Sige na pipikit na kami. Bibilang kami hanggang sampu." Hindi pa nga kami pumipikit eh nagsitakbuhan na sila.

Magkahawak kamay si Sky at Paine, si Zhaic naman karga-karga si Diael at tumatawa pa ito. Ang cute talaga ng tawa ni Diael tapos pag ngumingiti siya. Tapos si Anne at Ayesha sabay na sabay sa pagtakbo.

Dapat daw kasi parating magkasama yung magkakampi kapag nagsimula ng tumago.

Pumikit kami at nagsimulang ng magbilang.

"1..."

"2..."

"3.."

"4.."

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon