Chapter 4: Hint In Climax

2.4K 65 10
                                    

Chapter 4: Hint In Climax

*Kinabukasan*

-At Heaven's Ethos Academy-

"Hershien did you enjoy the party?" tanong ni Paine, katabi ko kasi siya ngayon habang nakaupo sa isang bench under the shade of a very big narra tree and there are lots of doves fluttering and perching above it.

"I really enjoyed the party last night..." I answered while watching the dry leaves of the tree danced in the wind as they fell to the green ground.

"Are you sure with that?" may boses na lang na nagsalita mula sa hindi malamang direksyon.

Hinanap namin ni Paine kung sino yung bigla na lang nagtanong at pagtingin namin dun sa direksyon kung saan malapit yung isang maliit na fountain nakita namin si Ayesha na papalapit samin.

"Above sea level kaya ang kasayahan ko last night." I answered to her.

"Wow Hershien mukhang gumagaya ka na sa mga makalaglag ngalangala kong expressions." Ayesha replied at umupo siya sa gitna naming dalawa ni Paine.

"Pasok na kaya tayo sa classroom, malapit na mag-time oh'" dagdag pa ni Ayesha at umakbay siya sa aming dalawa.

"Oo nga no, hindi namin namalayan ni Hershien ang oras." sagot naman ni Paine.

Tumayo na kaming 3 at nagsimula ng maglakad.

"Uy! mukhang may namumuong low pressure area." biglang sabi ni Ayesha, nakita kasi namin si Flint kasama si Hutchenova- magkaholding hands pa talaga.

"Bakit sa dami naman ng mabubuo low pressure area pa?" tanong ni Paine.

"Sssshhhh... huwag maingay parating yung high pressure area." Ayesha said, nakita kasi namin si Abegail (may crush kay Flint) na paparating.

"Hayaan na nga natin sila baka may mabuong super typhoon masabay pa tayo sa state of calamity." sagot ko rin- mukhang nakukuha ko na ang mga words na ginagamit ng kaibigan ko, araw-araw ko ba naman silang kasama kaya mabilis akong naka-adapt sa kanila.

Then ipinagpatuloy na nga namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.

Syempre sa classroom Kanya-kanya na naman ng gawa ng assignment lalo na 'Yong diary. Sa diary na yun dapat isusulat ang mga magagandang nagawa namin para sa ibang tao. Take note dapat araw-araw kaming may ginagawang mabuti. Sabi kasi nila a simple act of kindness will change the world. Yun ang pinaniniwalaan namin dito sa school. Always do a little kindness everyday.


Mga after 5 minutes pumasok na rin si Flint, hindi na rin naman namin alam kung ano ang nangyari sa kanila nina Hutchenova.

Pagpasok ni Flint mga 30 seconds din ang nakalipas ,pumasok na rin yung professor namin-- oh di ba naorasan ko talaga... pero estimate lang naman yan.

Nagsimula na yung discussion - further explanation about the project. Medyo Malabo pa rin kasi samin kung paano gagawin yun, mahirap ang magpabago ng ugali ng isang tao lalo na't kung nakasanayan na niya ito, mahirap kung mahirap pero dapat naming gawin yun dahil isa ito sa pinakaimportanteng proyekto na meron ang paaralang ito.



*End of Hershien's POV*

-----

*Curfiel's POV*

"Curfiel! yun na naman ba ang bagong babaeng papaiyakin mo? ako na ang nagsasabi sa'yo don't do that, kasi parang ang bait-bait niya." sabi ng nag-mamala-anghel kong kapatid, akala niya naman napakabait niya kung umasta. Nakaupo ako ngayon nanunuod ng movie pero nang gugulo siya.



The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now