Chapter 5: Maldita Lessons

2K 52 10
                                    

Chapter 5: Maldita Lessons

*Hershien's POV*

Mga 1pm napagdesisyonan ko ng pumunta sa bahay ni Curfiel. Pumunta ako doon ng walang kaalam-alam sa kung ano ang mga pwedeng mangyari, hindi ko alam kung ano ang gagawin at mga ipapagawa niya sa akin. Basta sige, I just kept my faith to God that he will guide me through out this big mountain of problem I presently have.



*House of Curfiel*

Pag dating ko sa harap ng bahay nina Curfiel ay namangha na lang talaga ako dahil sa sobrang laki at ganda nito. Yung parang gothic ang style, yung bahay na parang noong unang panahon pa naitayo. Ang bahay na parang marami ng napagdaan at nasaksihan na mga pangyayari sa mundo.



"Have you eaten already?" tanong nung babae sakin nang pagbuksan niya ako ng gate, ang ganda niya talaga at pakiramdam ko'y mabait siya. Nakangiti pa siya habang tinatanong 'yon sa' kin.





Nagulat na lang ako kasi hindi ko pa tapos pagmasdan yung bahay, natingala pa ako, gusto ko kasing makita kung ano ang nasa tuktok ng bahay nila parang may kakaiba.

"By the way, I'm Keirsten,Curfiel's sister." she added- kapatid pala siya nung baliw na yun ibang-iba siya sa Kapatid niya di mo nga aakalaing Kapatid siya ni Curfiel eh. I think they are great opposites.

"Kumain na po ako." I respectfully answered sabay ngiti sakanya.

"What's your name?" she curiously asked at nginitian niya rin ako. I felt so comfortable lalo na't pagtinitingnan ko ang mapupungay niyang mga mata.

"I'm Hershien po. " sagot ko habang naglalakad na kami papunta sa loob ng bahay nila, papalapit sa napakalaking pinto at pumasok na rin kami sa loob nito.

"I know that you are the personal slave of my evil brother just to warn you iba ang ugali niya. I want you to become maldita kapag nasa harap ka niya dahil kapag nagbait-baitan Ka, mas lalo ka niyang aasarin at pagtatawanan, alam ko na hindi natural sa'yo ang pagiging maldita, kita naman kasi sa mukha mo na napakainosente mong babae, but ako na ang magtuturo sa'yo." sabi niya habang nasa loob na kami ng bahay nila, nakaupo rin siya sa kulay puting sofa na kinauupuan ko at yakap-yakap niya ang isang maliit na itim unan na merong design na puting vines.

"Maldita? Bakit naman po? where's Curfiel po pala?" I hesitatingly asked, tumingin ako sa ibat-ibang parte ng bahay pero hindi ko masilayan si Curfiel. Ang kita ko lang ay painting ng isang matandang lalaking nakaupo, sungay ng isang usa na nakasabit sa pader, mataas na poste na sumusuporta sa bahay at mga bagay na nakapalamuti na hindi ko maexplain kung ano.

"Don't say po to me, just call me your ate, gusto ko lang gawin mo yun dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo dati, wala ngayon dito si curfiel pumasok siya sa academy, mamaya pa ang dating niya kaya pwede na tayong magstart ngayon -I'll teach how to become maldita."

Ate? ang bait naman niya hindi siya kagaya ni Curfiel. Oo nga pala hindi ko naman alam na pumapasok pa sa school ang kapatid niya, para kasing masyadong badboy. Akala ko lang sakanya tambay na spoiled bratt na mayaman, yung tipong umaasa lang sa suporta ng magulang.

"Sige na nga po ate... kay Curfiel lang naman po ako magmamaldita eh'" I answered to her pero nagdadalawang isip pa rin ako.

"Tara! punta na tayo sa mall watch me carefully at ipapakita ko sa'yo kung paano ang maging maldita at laitera, wait lang kunin ko lang yung bag ko." tumayo na siya at nagmamadaling umalis, papunta sa ikalawang palapag.

Pumunta siya sa isang kwarto at kumuha ng isang mamahaling hand bag na kulay black and white.

Hindi na siya nagbihis dahil maganda na yung suot niya- at ang ganda-ganda na niya talaga promise.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now