Chapter 9: Onion Cry

1.7K 44 13
                                    

Chapter 9: Onion Cry

*Curfiel's POV*

Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.

Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.

Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na ako, ayoko na.

*Sa kwarto ni Curfiel*

"Sorry na Curfiel.." dahang-dahang sagot ni mongol, at hindi siya makatingin sakin ng maayos.

"Ikaw kasi eh' bakit mo ba ako hinalikan?" she suddenly asked, ang arte niya sa pisngi lang naman.

"Alipin kita! kaya kahit ano pwede ko sa'yong gawin, huwag ka ngang maarte!!" I yelled at her.

Nakayuko lang siya, mukhang natakot ata sa pag-sigaw ko.

Bakit parang nanginginig siya...

"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya pero wala lang siyang imik.

Lumapit ako at tiningnan kung umiiyak ba siya at may nakita akong luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata, masyado naman siyang iyakin, napakababaw ng luha.

Pero bakit parang naaawa ako sa kanya-- siguro dahil nag-sorry na siya tapos kung ano-ano pa ang pinagsasasabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Niyakap ko siya hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, kusa na lang na gumagalaw ang katawan ko.

Nahahawa na ba ako sa kabaliwan niya? ang sarap ng pakiramdam habang yakap ko siya, awa lang naman ang nararamdaman ko para sakanya.

Hindi rin nagtagal bigla niya akong itinulak.

Ano bang ginagawa niya siya na nga ang niyayakap ko tapos ganito pa? ang mga babae talaga masyadong maaarte.

"Mongol! tumigil ka na sa pag-iyak-- please.." bigla ko na lang nasabi.

why did I say that?, di ba dapat ayos lang sakin na umiyak siya dahil sinampal niya ako, bakit masyado akong nalilito? Napasabi pa tuloy ako ng please.

"Pwede na ba akong lumabas?" tanong niya habang nanginginig and boses dahil sa pag-iyak.

"Oo.." bigla ko na lang nasagot.

After I said that she slowly walked going out of my room, para talaga siyang baliw.

Pagkalabas niya ng pinto, agad ko siyang sinundan, saan ba pupunta ang babaeng 'to?

Dahan-dahan lang akong sumusunod sa kanya-- para hindi niya ako mahalata.

Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa makaabot siya sa kusina... anong gagawin niya? kukuha ng kutsilyo para isaksak sakin? sira ulo talaga siya.

Sumisilip-silip lang ako sa pinto ng kusina at baka nga tumakbo siya papunta sakin pagsasaksakin ako.

Tapos dumaan yung kapatid ni mongol-- kaya kunyare napadaan lang din ako.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon