Chapter 32: Unspoken Feelings

873 26 22
                                    

Chapter 32: Unspoken Feelings

*Curfiel's POV*

Hershien was already done giving us cure and remedy. Kausap niya ngayon si Nagel, nakakainggit silang dalawang tingnan ang saya nila habang nag-uusap, bakit ba masyado silang close sa isa't-isa? siguro dahil medyo nahihiya pa akong kausapin si Hershien noong mapagtanto kong mahal ko na siya.

Bakit ba kasi kapag ang taong mahal mo nandiyan- dinidedma, pagwala hinahanap, pagnakatingin- umiiwas, paghindi nakatingin todo titig, paglumalapit- nahihiya, pag-umalis nanghihinayang, ganito ba talaga ang pag-ibig nakakalito at puno ng kadramahan? hindi bagay sa akin ang maging ganito. I don't want to be like this 'cause I love her but I don't know if she loves me, sh*t na pag-ibig panira ng buhay ko!! Pero ito na rin ang naging dahilan kung bakit ko iminumulat ang aking mga mata kasabay ng pagtaas ng araw sa umaga, sa pagnanasang mahagkan kong muli ang aking prinsesa, ang aking anghel.. F*ck ang korni ko na! ito na nga ba ang sinasabi ko eh' ganito ako pag-inlove.

Naglakad-lakad muna ako paikot sa entertainment room nila ayoko na silang pagmamasdan sapagkat hindi ko kayang pigilan ang sakit na aking nararamdaman. Sasamahan lang naman ata siya ni Hershien upang pumili ng libro sa kanilang library.

"Shien pwede bang ligawan ko ang kapatid mo?" tanong ni Zhaic kay Shien, kahit ako'y naglalakad-lakad eh' pinapakinggan ko pa rin naman ang kanilang pinag-uusapan, eavesdrop lang kumbaga.

"Subukan mo lang at pepektosan ko yang tonsil mo!!" pagalit na sagot ng kapatid ni Shien, nakatingin siya kay Zhaic nang may umaapoy na mga mata.

"Araaay, ang sakit niyan..." mahinang sabi ni Zhaic at napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.

"Buti alam mo!! at tsaka ang bata ko pa para sa mga bagay na ganyan 'no!" maarteng pagkakasambit ni Anne, bakit ba ang bilis mag-init ng dugo niya? Hindi siya kagaya ni Hershien na masyadong mabait.

"Akala ko kasi 30 years old ka na bwahahahaha." wika ni Zhaic na parang hindi nag-iisip, kung makatawa pa siya ay parang wala nang susunod na umaga, kaya naman yung kapatid ni Hershien ay biglang tumayo sa kanyang kinauupuan at hinabol si Zhaic sabay dampot ng feather duster, naglilinis kasi siya kanina bago niya kami nakita.

"Oops... teka lang joke ko lang yun." paliwanag ni Zhaic, nakatayo na rin siya at bakas sa kanyang mukha ang takot mula kay Anne.

Patuloy na naglakad ang kapatid ni Hershien hindi siya nadaan sa paliwanag ni Zhaic bagkus parang nagdilim ang kanyang paningin, hindi siya nadadaan sa biro. Tumakbo na si Zhaic papalayo ayaw niya naman sigurong mapalo. Tumakbo na rin si Anne at naghabulan silang dalawa sa loob ng kanilang bahay na parang mga bata.

"Humanda ka sa akin pagnaabutan kita, tatapyasin ko yang ulo mo!!" pagbabanta ni Anne kay Zhaic na kumakaripas sa pagtakbo.

Ewan ko sa kanilang dalawa mas baliw pa sila kaysa sa akin.

I walked and walked until I reached the garden, it was at the back of their house. I glared at the colorful flowers on the pots. I was stepping on the green tall grass.

"Curfiel bakit andito ka?" someone chuckled at my back kaya bigla na akong napalingon papunta sa direksyon kung saan nagmumula yung tinig.

"Ang ingay na kasi doon kaya naisipan kong maglakad-lakad na lang muna." I replied while walking towards Hershien

"May I ask Curfiel?" tanong ni Hershien nang makalapit na ako sa kinalalagyan niya, she was showing her white set of teeth.

"Ano bang itatanong mo?" I replied and glanced at her.

"Mahal mo ba ako?" tanong ni Hershien. Sa panahong iyon nagsimulang tumigil ang oras ng sarili kong mundo. I couldn't find any word that would fit to be the answer to her question. Ano bang klaseng tanong yan hindi ko pa alam ang isasagot ko, wala pa akong lakas ng loob para malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. I think I am not afraid to tell what I feel for her, I'm just too scared to know her reaction, her answer to my unspoken emotion.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon