Chapter 42: Yuletide

98 4 0
                                    


Chapter 42: Yuletide

*Curfiel's POV*

Nakalipas na ang ilang buwan ng pagbabantay ko kay Shien pero ang pakiramdam ko'y marami pa ring pwedeng mangyari kaya lagi lang akong nakahanda pati ang crucifix six.

Hindi na rin ako nakastay ngayon sa bahay nina Shien sapagkat wala na akong naririnig na balita tungkol sa mga plano ni Kruizer, tahimik siya ngayon at hindi nagpaparamdam. Hindi gaya ng dati na halos araw-araw kailangan naming magtuos at mag-away.

Panatag na rin naman ang loob ko sa mga nangyayari, kagaya ngayon kasama ko si Shien, nasa may rooftop kami ng mansion manunuod ng fireworks dahil mamayang hating gabi pasko na, pero hindi ko naman ginugunita ang pasko eh, Kahit kailan di ko naranasan ang kasiyahan na dulot ng pasko kundi ngayon lang.

Si Shien ang nag decorate ng bahay namin, marami siyang inilagay na palamuti ang akala ko ngay hindi na namin ito bahay. Meron na kasing isang malaking Christmas tree dito sa bahay, may snowman, at mga nakalalay na snowflakes, mga Christmas light na kulay asul at puti. Binigyan niya kasi ng tema yung design niya. White Christmas daw.

"Malapit ng mag midnight, Malapit ng mag pasko." masayang wika ni Shien habang nakatingala lang sa langit inaantay ang pagsabog ng makukulay na fireworks.

Sa tanang buhay ko hindi ako na excite sa mga paputok na yan, dahil buong buhay ko putok lang ng baril, dinamita at bomba ang nakasanayan kong makita at marinig.

" I prepared a gift for you Shien." tugon ko sakanya habang nakatingala rin sa kalangitan nag-aantay na makulayan ang dilim na hatid ng gabi.

"Ako meron ding gift sayo." aniya, at pagkasabi niya non ay meron ng mga fireworks ang mabilis na papaakyat sa kalangitan at naghahatid ng ibat-ibang kulay at liwanag ang sumasabog.

Wala na akong naisagot sa nasabi niya sapagkat, nakita ko na ang buong atensyon niya ay nasa makukulay na fireworks na. Pinagmamasdan ko lang siya, hindi Na ako nakatingin sa itaas bagkus ay kay Shien na lamang. Nakikita ko ang kulay ng mga paputok dahil nagrereflect ito sa makinis na mukha ni Shien, para siyang isang batang tuwang-tuwa at ngayon pa lang nakapanuod ng isang bagay na ganito.

Medyo malamig na ang simoy ng hanging kaya mas lumapit pa ako kay Shien upang isuot sakanya ang jacket ko, ang hangin ay marahang sinusuklay ang kanyang buhok, hindi ko maiwasan ang hindi tumitig sakanya, lalo na sa kanyang nagniningning na mga mata.

Matapos ang pagpinta ng mga fireworks sa blankong langit, kaunti rin kasi ang mga tala at ang buwan ay natatakpan ng makakapal na ulap, bumaba na rin kami ni Shien upang mag exchange gift.

"Shien here's your gift." sabi ko sakanya sabay abot ng regalo niya habang siya naman ay iniabot na rin ang regalo niya sakin.

"Hahaha hahahaha!!!!!" malakas na tawanan galing kina Sky, Zhaic at Brett nang makita nila ang regalo ko kay Shien, nandito din kasi sila ngayon gusto din kasi nila maka experience ng pasko.

Hindi naman kasi talaga namin sinicelebrate ang kapaskuhan, wala naman kasi kaming pake don.
Masama na ang tingin sakin ni Shien, nakakunot na ang noo niya at magkasalubong na ang kanyang mga kilay.

"Ba't mongol pencil at monggo ang regalo mo sakin." mangiyak-ngiyak na wika ni Shien, pag nakikita ko talaga expression niya natutuwa ako.
Matagal ko na rin kasi siyang hindi inaasar kaya namimiss ko na rin yung paki ramdam na 'yon.

"At least Di ba, you will remember that for once you are my mongol! Yung pinagsilbihan ako ng isang buwan." masiglang sabi ko, gusto ko ulit mara nasan ang pagsilbihan ni Shien, yung pagluluto Ka niya, bibihisan, aasikasuhin ang bilis lang talaga kasi lumipas ng mga sandali.
Hindi Na siya umimik bagkus ay itinago na lamang yung ibinigay ko sakanya.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now