(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush

70 3 0
                                    

(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush

*Curfiel's POV*

Nasa labas kami ng silid ngayon sa harap ng isang lumang building nakikipag laban sa mga tauhan ni Kruizer meron silang kanya-kanyang dalang armas kagaya ng mace, flail, poleaxe at spear. Sinusubukan nila kaming pabagsakin- ang Crucifix Six, kasama ko ngayon sina Sky, Nagel at Xandro.

"Siguradong matatalo na namin kayo ngayon." matapang na sabi nong lalaking may mapulang peklat na eks sa mukha. Nasa likod niya ang iba pa niyang kasamahan at nasisiguro ko na siya ang leader. Ang mga taong nasa likod niya ay handa ng lumusob kita iyon sa mga mata nilang umaapoy, seryoso silang nakatingin samin na parang pinapatay na kami.

"Puro kayo satsat, eh di sana matagal na kaming nasa hukay." tugon ni Xandro lahat kami ay nakafighting position na, hindi kasi namin alam kung kailan sila susugod.

"Sa pagkakaalam ko lagi kayong inililigtas ng isang babae." sagot nong lalaki kaya nagtawanan ang mga taong  nasa likod niya.

Alam kong ang kanyang tinutukoy ay si Keirsten, ang kapatid ko. Siya lang naman kasi ang laging sumasagip saming Crucifix. Pero Kahit wala naman siya alam naming kaya namin silang pataubin lahat.

"Paslangin sila!!!!" at sabay sabay na nga silang lumusob samin.

Araw-araw ang buhay ko'y ganito puro pakikipag-away at puro pakikigulo, hindi lumilipas ang araw na wala akong panibagong natatamong sugat.

Pinaikutan nila kami habang kami naman nina Sky at Xandro ay sinusubukang protektahan si Nagel, dahil magaling lang siya gumamit ng baril subalit wala masyadong alam sa pakikipaglaban ng pisikal.

Nakapaligid kami kay Nagel habang siya'y may hawak na libro, nakayuko at patuloy pa rin sa pagbabasa.

"Ahhhhhhhh!!!! " may lumusob na tatlong lalaki. Lumipad si Xandro sa ere at nagpapaikot-ikot, gamit ang kanyang arnis ay magkakasabay niyang napabagsak ang tatlo. Ang mukha ng tatlo ay dumugo na lamang at   nabali ang kanilang mga ilong.

"Yaaaaaaaaaaaaaa" mas marami pang lumusob na mga lalaki. Si Sky ay mabilis na nakakapunta sa likod ng mga lalaki at gamit ang kanyang katana, walang hirap niyang napapaslang ang mga umaatake.

Tinanggal ni Sky ang kanyang subong lollipop, "ito ba ang pinagmamalaki mo? Ang kikitil samin?" sabi niya sabay dura sa mga lalaking bumagsak na sa lupa.

Kahit may laban hindi pa rin maiwasan ni Sky ang pagkain ng lollipop. Madalang ko lang siyang makitang  walang lollipop sa loob ng bibig niya.

Ako naman ay may bitbit na Gothic bastard sword kaya madali ko rin silang napapatumba dahil sa swordsmanship skills ko na tinuro pa ng aking ama, simula nong 5 years old pa lang ay nag-umpisa na akong magensayo sa paggamit ng espada.



Buti talaga at meron kaming mga armas ngayon hindi gaya nong  laban namin kay Kruizer, na wala kaming kaalam-alam.

Ang dating uhaw na mga halaman at damo ay nadiligan ng dugo,  halos kulay pula na ang lupa dahil sa umaagos na dugo mula sa katawan ng mga taong napatay namin.

"Yaaaaaaaaaa....." lahat ng lalaking nakapalibot samin ay lumusob na ng sabay-sabay kaya naman ay naging seryoso na kaming tatlo sa pakikipaglaban. Habang si Nagel naman ay umiiwas lang sa pag-atake na ginagawa ng aming mga kaaway.

Kaliwa, kanan, talon, tagilid yan lang ang ginagawa ni Nagel habang nakatingin pa rin sa kanyang libro at nagbabasa at ang kanyang isang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Hindi man lang siya magalusan ng tatlong lalaking pilit siyang pinapatay.

Nong naubos na namin lahat ay tumakbo kaming tatlo pa palapit kay Nagel, gamit ang arnis ay pinatamaan ni Xandro sa tiyan yung isang lalaki, pinatumba naman ni Sky yung isa gamit ang kanyang katana, at habang  itaas ko pa lang sana ang aking espada na puno na rin ng dugo ay tumakbo na 'yong pinakahuling lalaking natitirang buhay.

Hinayaan na namin siyang mabuhay, at para na rin may mag sabi sa boss nila na buhay pa rin kami at mas magaling kaysa sa kanila.

Dito sa loob ng Academia bawal ang firearms, bombs, at bow and arrow. Kailangan marunong kang makipag laban ng pisikal, kaya tinuturuan namin si Nagel araw-araw.

Pwede lang kaming gumamit ng firearms at bomba kapag mayroon na misyon na dapat taposin at dapat utos iyon mula sa Mafia Organization hindi kung sino lang.

Nag tuloy-tuloy na kami sa paglalakad upang makarating sa classroom.


"Wala na ba? Akala ko madami pa sila." pagyayabang ni Sky, at itinapon na niya ang stick ng kanyang lollipop. Subalit dumudukot muli siya sa kanyang bulsa, marahil ay may dala pa siyang stock ng lollipop.

"Baka mamaya ay mayroon na namang mag-abang satin." tugon ko sakanya. Hindi nga ako nagkamali dahil habang sinasabi ko 'yon ay tinatanggalan niya na ng balat ang lollipop na galing sa kanyang bulsa.


" Uhhhh! Bat namatay yung bida!!" galit na sabi ni Nagel at malakas na itinapon niya ang libro na kanyang hawak at binabasa kanina.

Hindi ko rin maintindihan ang miyembro ko, mga weirdo. Pinabayaan na niya 'yong libro sa gilid ng umaapaw na basurahan, marahil ay bibili na naman siya ng panibagong libro na babasahin. Hindi niya lang yata nagustuhan yung ending.

"Huwag niyo kakalimutang mag training kahit nasa bahay na kayo, Siguradong hindi sila titigil hanggat hindi nila tayo napapatay." suhestiyon ko sa kanila bago kami nakapasok ng classroom.

"I always did." sagot ni Nagel. Malungkot ang kanyang mukha hindi ko lang alam kung ito ay dahil sa binabasa niyang libro kanina kung saan namatay ang bida.

"Syempre, lalagpasan ko pa rango ng tatay ko." tugon ni Xandro na pinapaikot-ikot lang ang kanyang hawak na arnis.

Pumasok na si Professor Sniper, nag tuturo siya ng ibat ibang parte ng baril at mga uri nito. Nakikinig ako ng maigi sakanya sapagkat maayos siyang magturo at gusto kong matuto ng pag gamit ng maraming klase ng mga baril. Gusto ko rin maging kasing galing ni Nagel sa pag-asinta.

*******

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now