Chapter 12: Abstract and Distorted Painting

1.3K 34 7
                                    

Chapter 12: Abstract and Distorted Painting

*Hershien's POV*

I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.

I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel.

"Mongol!" tawag ni Curfiel.

"Ano po yun?" magalang na sagot ko.

"Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken.

"Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.

"Lumalakas na naman ang hangin." tugon ko sakanya at ipinagpatuloy na yung pagdidilig sa mga halaman.

"Hangin? Gaano naman kalakas?"painosenteng tanong niya.

"Mas malakas pa sa hanging dala nung Typhoon Yolanda." sagot ko sa kanya pero patuloy pa rin ako sa pagdidilig ng mga halaman.

Tapos bigla kong naalala na laman ng mga balita ngayon yung mga victims ng Typhoon Yolanda.

Naiiyak nga ako habang pinapanuod yung mga balita, Last week pa yun nangyari. Parang dinudurog yung puso ko while watching every news, yung napakaraming patay, yung mga taong nagkakahiwalay, yung mga taong naglolooting na dahil sa sobrang gutom. Hindi ko lubos maisip na habang sagana kami maraming tao ang naghihirap. But I know that Filipinos are strong people....

I want to help them.

"Eh' yung tubig na dala nung Typhoon Yolanda, gusto mo maramdaman? Ganito oh'" sagot ni Curfiel at bigla niyang kinuha yung hose na gamit ko.

At binasa ako gamit yun, ramdam ko yung pag pasok ng tubig sa ilong ko, malakas kasi yung pressure ng tubig.

"Curfiel! Itigil mo nga yan." utos ko sa kanya habang sinusubukang harangan ng aking kamay yung bumubuhos na tubig.

"Ayoko nga, akala mo kasi sa sarili mo ang ganda-ganda mo! Bakit maganda ka ba ha?" tanong ni Curfiel habang patuloy lang akong binabasa at tumatawa pa siya na kagaya ng isang batang tuwang-tuwa.

Sa sobrang galit ko,

"Oo!" bigla kong nasabi.

"Tawagin mo nga si Dora nang mapahanap natin dun sa nagsasalitang MAPA yang ganda mo. Di ko kasi makita kung san banda eh'" mapang-asar na sambit ni Curfiel.

Sa sinabi  niyang yun di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya.

Akalain niyo? naisip niya yun?

Dora? nanunuod siya nun? hahaha mas mukha nga siyang si Boots-yung unggoy, niyahahahaha ayan natawa nako habang iniisip 'yon.

Nung matawa na ako sa sinabi niya. Tumakbo na ako papalayo sakanya, but he chased me. Halos maikot na namin yung buong garden.

Nang makita ko si Anne at Nagel pumunta ako papalapit sa kanila.

"Aaaane..." I cried.

Then Nagel hugged me tightly, tapos iniwas niya ako sa pangbabasang ginagawa ni Curfiel ang kaso nabasa 'yong librong dala niya.

Nang makita ni Curfiel si Nagel habang niyayakap ako agad na niyang binitawan yung hose, ayaw niya sigurong mag-away sila nung kaibigan niya.

"Ayos ka lang ba Hershien?"pag-aalalang tanong ni Nagel habang nakahawak sa balikat ko.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now