Chapter 28: Angel's Saviour

984 25 12
                                    

Chapter 28: Angel's Saviour

*Nagel's POV*

Pagpasok ko ng Academy ay agad kung nasilayan si Hershien kasama niya yung babaeng sumipa kay Curfiel. Sila'y tumatakbo papalayo dahil sa hinahabol sila ng mga lalaking utusan ng pamilya ni Eury. Kahit kailan talaga hindi naging matahimik at mapayapa ang paaralang ito. Kailan ko kaya mapapatigil ang karahasan dito?

Hindi ko lubos mawari kung ano ba ang gusto niyang gawin kay Hershien, alam kong galit siya dahil sa nagiging malapit na sina Hershien at Curfiel sa isa't isa. Si Curfiel kasi ang lalaking alam kong totoong mahal niya at hindi ako.

Minahal ko naman si Eury pero bakit hindi niya masuklian ang pag-ibig na aking iniaalay para sakanya? Siya ang kasiyahang hinangad at dumating sa buhay ko pero pilit na inilalayo ng pagkakataon at ng malupit na tadhana, kaibigan ko pa 'yong minahal niya, bakit hindi na lang ako? Siguro kung pagseselosin ko siya saka niya lang malalaman ang tunay niyang nararamdaman para sa akin.

Nakabuo ako ng konkretong ideya at plano, sinundan ko silang dalawa. Natanaw kong iniwan ni Hershien  'yong kasama niyang babae at matulin siyang tumakbo papunta sa room 104. Nang malapit na sana siya sa silid-aralan nina Curfiel, hihingi siguro siya ng tulong pero hindi niya na nagawa kung ano pa man ang kanyang binabalak sapagkat agad na siyang sinuntok ni Mark sa kanyang tiyan at nawalan na lang ng malay.

Binuhat siya ni Mark sa kanang balikat at naglakad na ito patungo sa kanyang kotse at ipinasok doon si Hershien.

Alam ko kung saan siya dadalhin ni Mark, siya'y dadalhin sa kanilang hide out kung saan mas marami pang mga lalaking adik ang naroroon.

Tumakbo ako papunta sa daan na alam kong  short cut patungo sa hide out nila, wala na akong oras para pumunta pa papalabas upang gamitin ang aking  kotse  sapagkat  batid ko namang mas mabilis akong makakarating sa lugar na iyon kahit walang gamit na sasakyan. Binaybay ko ang masukal at makipot na daan na iyon, hinahabol ko na ang aking paghinga, dama ko na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa pagtakbo.

Pagkarating ko doon ay walang nakabantay sa pintuan, nagkalat sa paligid ang iba't-ibang uri ng mga bote ng alak, pupos ng sigarilyo at mga plastik ng chichirya.

Lumingon-lingon ako, hinahanap kung saan nila maaaring dalhin si Hershien pero nahirapan ako dahil madilim ang loob ng hide out nila kakaunting sinag lamang na nagmumula sa araw ang pumapasok sa loob nito.

Habang ako'y patuloy na naglalakad upang makahanap ng ibang daraanan upang matagpuan at mailigtas si Hershien... may biglang sumigaw ng napakalakas.

"Huuuwag!!" boses babae iyon kaya alam kong si Hershien ang sumigaw.

Agad kong sinundan kung saan nagmumula 'yong tinig, mukhang may kung ano na silang ginagawa sakanya.

Nakakita ako ng isang pinto, sinira ko agad iyon at binagtas ang daan. Sa dulo noon ay may pinto ulit na nakaharang, sinipa ko iyon ng buong lakas. Nawasak ang pinto dahil sa ito'y gawa lamang sa lumang kahoy at marupok na ang mga bahagi nito.

Si Hershien ay napapaligiran ng mga lalaki at unti-unti na siyang hinuhubaran. Siya'y nakatali ng mahigpit kaya hindi siya makaiwas o makalaban man lang sa mga lalaki. Tanging bra na lamang ang saplot niya sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Batid ko ang lubos na takot at pangamba na kanyang nararamdaman dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha na punong-puno na rin ng mga  butil ng luha. Tumakbo ako para sagipin siya, pinagsisipa ko ang mga lalaking nakapalibot sa kanya. Hindi pa ako ganoon kagaling sa pakikipagtuos pero sinubukan ko gamit ang lahat ng aking makakaya. Alam ko kung ano ang kanilang pakay, na gusto nilang gahasain si Hershien.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon