Chapter 40: Fifty Shades of Green

273 7 0
                                    

Chapter 40: Fifty Shades of Green

*Ayesha's POV

Nagising kaming lahat dahil sa binuksan ni Ches yung malaki at mahabang pink na kurtina na humaharang sa sinag ng araw.

"Ang aga mo naman Ches!" Sabi ko sakanya habang dahan-dahang ibinubuka ang aking mga mata, ang sakit kasi kapag natatamaan ng liwanag ng araw ang mga matang dilim ang pinagmamasdan dahil sa mahimbing na pagkakatulog.

"Well may pasok ako ngayon buti kayo wala dahil pinapaayos pa ang paaralan niyong nasira dahil sa ungas na mga lalaki." Tugon ni Ches sabay unat ng kanyang mga kamay na parang nagi-stretching.

Marahan na ring nagising at tumayo sina Paine at Anne mula sa kanilang pagkakatulog. Yakap-yakap pa nila ang rabbit na stuff toy ni Hershien, oo puno ng stuff toys na kuneho ang kwarto ni Shien. Adik siya sa mga kuneho at mahal niya ang mga kuneho.

"Buti! Pa nga umalis ka na dito nang masolo ko na yung dalawa!!! Shooo! Shoo! Chhhooopi!" Wika ni Paine na parang nag-papaalis lang ng isang galang aso.

"Ay, hindi na lang pala... Aabsent na lang ako para matagal ko pang makasama yung dalawa." Sagot ni Ches at parang gusto niyang galitin si Paine.

Naglakad si Ches na kumikembot-kembot pa ang bewang ng...

"*boooooggggssssshhh* Araaaaaayyyy!" Natumba siya na unang bumagsak ang pwet. Tumayo siya ng dahan-dahan habang hinihimas ang kanyang pwet.

"Hahaha... Ahahaha.. Bwahahaha" ang lakas ng tawa ni Paine na nakahawak pa sa tiyan niya habang nakaturo kay Ches at pumapadyak pa.

"Ano ba naman kasi yan!!! Bat merong pakalat-kalat na stuff toy diyan? Araaay ko ang sakit talaga..." Maiyak-iyak na sambit ni Ches at naupo siya sa malambot na kama.

"Yan ang karma ng malalandi... Wahahahaha!!!" Malakas pa rin ang tawa ni Paine dahil sa pagkakadulas ni Ches.

Ewan ko sa dalawang 'to palibhasa ang malandi galit sa kapwa malandi.

"Dapat talaga doon na lang ako natulog sa kabila kasama sina Zhaic at Sky.. Nakatabi at nayakap ko na sila hindi pa ako natumba. Di kagaya ngayon... Araaaayyy.."

"Masama ang plano mo sa kanila!! Alam kong may gagawin kang kakaiba pag katabi mo sila!! Manyakis ka pa naman!!" Tugon sakanya ni Paine at inirapan si Ches na nakahiga ulit dahil sa sakit na kanyang iniinda.

"Eh ano naman!! Basta masarap!! Tsee!!"

Nag-aagawan pa talaga sila sa lalaki. Yan ang mga kaibigan ko nagmana saken lahat.

"Kung doon ka natulog malamang nakanganga ka habang gumagapang pabalik dito sa kwarto. Malaki ang sandata no'ng dalawa nahawakan ko!" Saad ni Paine na parang nagmamayabang pa.

"Talaga? Duda naman ako sa sinasabi mo no! Ikaw? Makakahawak? Kahit nga yata mga rappist hindi ka gagalawin kaya don't me!" Sagot sakanya ni Ches na medyo maayos na rin ata yung nararamdaman niya, hindi na kasi siya namimilipit sa sakit.

"Tara na nga mag-ayos na kayo para makapag almusal na tayo!!" Malakas na pagkakasabi ko sa kanila kaya natigilan yung dalawa at nagsigalawan na sila.

"Ako na tatawag do'n sa dalawa baka hard pa sila this time." Mabilis na tumakbo si Ches papunta doon sa kabilang kwarto na mukhang tahimik pa at hindi pa nagigising yung dalawa.

Habang kaming natira dito sa loob ng kwarto ay inaayos na yung mga gamit,masyado na kasing makalat at magulo yung loob nang kwarto baka pagalitan kami ni Shien pag nakita niya itong ganito.

Kumusta na kaya sila doon sa loob ng CR? Sana mapamahal ng sobra si Curfiel sakanya, sana mahulog siya ng napakalalim sa kaibigan ko, kay Hershien. Pipigilan ko lahat ng kasiyahan mo Curfiel, iiyak ka dahil saken.

Natapos na kaming magligpit ng gamit at si Ches ay hindi pa rin bumabalik dito sa kwarto, ang tagal na naming nag-aantay pero wala pa rin siya. Kaya naman minarapat na naming puntahan siya sa kabilang kwarto.

Malakas na kinatok ni Paine yung pinto sabay binuksan ito ng mabilis. At tumambad samin si Ches na nakahiga sa gitna no'ng dalawa. Kaya naman nagalit si Paine na parang isang bulkang sasabog na at umuosok pa ang ilong.

"Isang daang taon na kaming nag-aantay sa'yo sa kabila nandito ka lang pala naghahanap ng nota!! At lumalandi!" Galit na galit na wika ni Paine at mabilis siyang naglakad papalapit sa kama kung saan natutulog pa yung dalawa.

"Ahhh.. Ano ba yan ang ingay!! Ano ba yun?" Mahinang sabi ni Zhaic na bagong gising tapos umunat siya.

Hindi naman pala ginising ni Ches yung dalawa kundi nakitulog ulit siya na katabi yung mga lalaki. Baliw talaga.. May saltik din e'.

" ohhh... Why are you here Ches?" Tanong din ni Sky na nagising na dahil sa ingay.

"Alam niyo kasi gigisingin na namin kayo.. Tara mag-almusal na tayo." Palusot ni Ches na biglang napaalis sakanyang kinahihigaan at napatayo. HokaGAY!!

"Mauna na kayo.. We will just follow you afterwards. Mag-aayos lang kami ni Zhaic." Tugon sakanya ni Sky na naniningkit pa ang mga mata.

Si Paine ay napatigil na lamang dahil agad na rin kaming umalis at bumaba ng hagdan.

"Ang gwapo talaga ni Sky 'no? Jusko colored! Sana akin na lang siya." Saad ni Paine habang inaantay namin yung dalawa.

Nandito na kami ngayon sa table, mag-aalmusal. Tapos bigla kung naalala si Hershien na nasa loob pa rin pala ng CR kasama si Curfiel.

Pumunta ako doon at pinagbuksan sila ng pinto. Tulog yung dalawa! Ginabi yata sila dahil sa pakikipag-usap sa isa't isa. Nakatulog si Curfiel sa lap ni Hershien at nakayakap naman sakanya ang kaibigan ko.
Sige lang Shien kaya natin 'tong dalawa.

Ginising ko sila at agad akong nagsorry kay Shien sinabihan ko siya na ipapaliwanag ko na lang lahat sakanya mamaya. Nag-ayos silang dalawa at naglakad na kami patungo doon sa mesa kung saan nakaupo na rin sina Sky at Zhaic.

"Ang shhhhaaaaarap talaga!!" Sambit ni Paine na parang nang-aakit sabay subo ng hotdog habang nakatingin kay Sky.

Si Sky naman napangiti na lang sa mga ginagawa ni Paine. At mas lalo pang nagpacute sakanya si Paine. Ganyan talaga yan kulang-kulang.

Nakausap ko pala ng masinsinan kagabi si Sky habang tulog yung mga kasama ko. Nagkwento siya saken tungkol sa istorya ng buhay ng kanyang mga magulang.

May gusto rin siyang paghigantihan at matagal na daw siyang nagsimula sa kanyang planong paghihiganti. Pero ayaw niyang sabihin sakin kung sino 'yong taong nagpapabagabag din sa kanyang kalooban.

Kinuwento ko din sakanya yung istorya ng buhay ko pero hindi ko din sinabi sakanya na si Curfiel ang taong gusto kong paghigantihan. Mahirap na baka maboking ang plano namin ni Shien. Basta ang alam niya lang galit din ako sa isang tao.

Matagal din kaming nag-usap bago natulog kasi meron na kaming plinano gusto din pala nilang maging sina Curfiel at Hershien mukhang mas mapapadali na maisakatuparan ang aking plano.

(The next chapter will be the story of Sky's parent. I made it as a one-shot story entitled "He's My Suicide" para mas dama.)

Click niyo naman po 'yong star sa taas. Salamuch :)

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now