Chapter 10: PhotoMon

1.6K 41 2
                                    

Chapter 10: PhotoMon

*Hershien's POV*

"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden.

"Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam.

"Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne.

"Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng  kapatid ko.

"Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa gutom." wika ko, magkakasabay kasi kaming naglalakad ngayon patungo sa kwarto ni Curfiel.

"Tama ka nga, basta ikwento mo saken ha." Nagel muttered and we continued walking forth to Curfiel's room.

At pag bukas namin ng room agad kong inihatid kay Curfiel yung pagkain niya.

"Dude! may dalang DigiCam si Hershien papicture tayo!" pasigaw na sabi ni Nagel sa mga taong nasa loob ng kwarto.

"Papicture? Kelan ka pa natutong magpapicture?" tanong ni Zhaic sabay  hawak sa ulo niya na parang nag-iisip.

"Masyado kang Gay!" sabi naman ni Curfiel na nanunuod ng TV habang kumakain.

"Gay agad? magpapapicture lang? Tara Hershien tayo na lang na dalawa." sabi saken ni Nagel pinaupo nya ako dun sa kama ni Curfiel.

Wala na akong nagawa sapagkat umakbay na si Nagel saken habang nagpipicture.

"Zhaic picturan mo nga kaming dalawa ni Hershien ang hirap kasi pag selfie eh'" nag request si Nagel kay Zhaic na nakaupo lang din naman.

"Sasama rin ako sainyo sa pagpapapicture." sagot ni Zhaic na parang nagloloko lang.

"Alam ko na, tawagin na lang naten yung kapatid mo para siya na lang ang magtake saten ng pictures." sabi ni Nagel at agad na itong tumakbo papalabas ng kwarto ni Curfiel para tawagin si Anne.

Humiwalay kasi si Anne samin nong malapit na kami sa kwarto ng halimaw na 'to kasi nga daw tataposin niya assignments niya.

Makalipas ang ilang minuto kasama niya na nga ang kapatid ko.

"Ito na yung camera picturan mo kami ng ate mo." excited na sabi ni Nagel kay Anne sabay abot ng camera.

Pumunta sa likod ko si Nagel at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Bilis picturan mo na kami ng ate mo !" sigaw ni Nagel.

"Ok, sige, magpose na kayo diyan." Anne hurriedly answered, nakaready na rin sya para magpicture.

At ako naman nag pose na at nakapeace sign habang si Nagel ay nasa likod ko.

"Mr. Nagel alam mo ang gwapo mo, siguro try mo pa mas lumayo kay ate mas gumagwapo ka." sabi ni Anne at ibinaba niya ang DigiCam.

"Gaano ba kalayo? hanggang dito ba?" Nagel inquired, hindi niya halata na niloloko lang sya ng kapatid ko.

"Medyo lumayo ka pa ng kaunti, tapos lumiko ka diyan sa may pinto." Anne instructed at nakita kong medyo nakasmile siya, haay naku ganyan talaga siya, ayaw niyang may lumalapit sa'king lalaki.

The Seven Princes of MafiaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum