Chapter 13: Deathless Memories

1.4K 35 4
                                    

Chapter 13: Deathless Memories

*Curfiel's POV*

Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.

~~

Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...

Naalala ko na naman dahil kay Mongol.

Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.

Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.

Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.

Pero nagkaroon ng away ang mga pamilya namin kaya pinaghiwalay nila kami. Ang sakit mawalay sa taong iyong pinakamamahal. Simula noon hindi na ako nagmahal ng iba, siya yung sobrang minahal ko noon na pilit ko ng kinakalimutan ngayon.

Di kaya si Mongol ang kababata ko? pero hindi eh', hindi naman Hershien ang pangalan niya. At ang kababata kong yun magaling magpainting hindi kagaya ni Mongol, magpapaturo pa nga lang siya ngayon kung paano magpainting. Pareho lang sila ng ugali... Asan na kaya siya?

Teka, teka, bakit ko pa ba iniisip ang mga bagay na kagaya nito? ilang taon na ang nakalipas pero wala pa ring nangyayare sa balak kong paglimot.

Siguro talagang mahirap kalimutan ang mga alaala na hindi naman talaga nakatago sa ating isipan, yung alaalang nakatago sa ating mga puso.

Ba't ba ang drama ko ngayon? Hindi bagay saken! Fucking shit! kasing mga alaalang to, di mamatay-matay.

Nahiga na lang ako.

Makalipas ang ilang minuto ng pagdadrama, lumabas ako ng kwarto, nakita kung nagpapaturo si Mongol kay Nagel magpainting.

Bumaba ako ng hagdan nang hindi nila napapansin.

Pumunta ako sa may hardin, sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno at nahiga sa luntiang damo, pinagmamasdan yung mga mapuputing ulap na marahang pinapagalaw ng hangin at yung mga lumilipad na grupo ng mga ibon sa kalangitan, ako kaya? kelan ako makakalaya sa mga alaalang kumukulong saken, Kelan ba ako makakalimot?

Para san ba kasi't naimbento ang pag-ibig? ano yun? para saktan lang ang mga tao? para umasa? para umiyak? FUCK THE WORLD!!

Gusto kong sumigaw pero wala naman yung magagawa.

"Curfiel, gusto mo tumulong samin? pupunta kami ni Anne kung saan nagrerepack ng mga relief goods para sa mga nasalanta nung Super typhoon Yolanda, gusto mo sumama?" tanong ni Mongol at naupo siya sa tabi ko.

Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot... Nakita nang nagmomoment yung tao! Panira naman oh'.

"Ha? bakit naman ako tutulong wala naman akong makukuha do'n, at saka wala akong pakialam sakanila, mas mabuti pa dito sa bahay hindi pa ako mapapagod." sagot ko sakanya habang patuloy pa rin na pinagmamasdan ang mga ulap at ibon.

"Ayaw mo no'n? makakatulong ka sa mga taong lubos na nangangailangan? mas maganda na tumutulong tayo sa iba kesa yung tayo ang tinutulungan nila." pamimilit niya pa saken.

"Si Nagel na lang isama mo, siya naman yung nanliligaw sa'yo, hindi ako."

"Sasama nga siya pero mas maganda kung marami tayo para mas marami rin tayong magagawa."

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now