Chapter 36: Flesh to Sell?

188 10 5
                                    

Chapter 36: Flesh to Sell?

*Hershien's POV*

Natatawa na lang talaga ako sa ginagawa ni Paine kami yung nagbebenta tapos siya din naman pala bibili.

"Grabe na talaga ito Shien!! Mukhang nagkakagulo na sila limited lang yung kahoy at mga laruan, tingnan mo sila ngayon halos magpatayan. " sabi ni Ayesha na tuwang-tuwa pa sa nangyayaring bangayan sa gitna ng kalsada.

Mukhang magkakaroon yata ng traffic dahil sa kagagawan naming 'to.

"Itigil na kaya naten 'tong buy 1= free hug." Suggest ko kay Ayesha para naman walang masaktan.

"Hindi pwede madami nang malalanding nakapila, tsaka para maubos nato at makapagpahinga na tayo." Sagot ni Ayesha habang nagbebenta at nag aayos ng mga laruan.

Sina Sky, Zhaic, at Curfiel mukhang nag-eenjoy naman sila at may nag papapicture pa.

"Magkano ba isa sa kanila?" Tanong nung isang bakla ng makalapit siya kay Ayesha.

"'Te ayan oh may price tag na di mo ba nakikita?" Sagot ni Ayesha na parang naiinis siguro napapagod na rin siya kaya ganun na sumagot.

"Hindi yung mga laruan, yun oh, yung mga lalaking yun." The gay replied pointing his finger to the place where Curfiel and his friends were standing.

Then Ayesha rotated her head and told me.

"Ano ba 'tong baklang 'to, ano akala niya saten bugaw? Sa ganda nateng mala aphrodite nakakamalan lang tayong GANERN!!" Mahinang pagkakasabi ni Ayesha para hindi marinig nung nagtatanong sakanya.

"Ano ibenta na naten silang tatlo? Babalatuhan na lang kita mukhang malaki-laki ang kikitain naten ngayon. " dagdag pa ni Ayesha.

Kakasabi niya pa lang na napagkakamalan kaming bugaw tapos gagawin niya nga talaga.

"We never owned them bakit naten sila ibebenta?" Sagot ko naman kay Sha.

"Ayaw mo lang kamo maibenta si Curfiel..." Pang-aasar ni Ayesha tapos bigla siyang sumimangot.

"Shien!!!" Tawag ni Curfiel.

When I saw him, may mga babaeng gustong humalik sakanya at parang inilalayo niya ang kanyang ulo para hindi siya mahalikan o makaiwas sa mga ito.
Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano ba!!" Malakas na pagkakasabi nung bakla.

"Ateng hindi po kami bugaw at hindi kame nagbebenta ng laman. Kung gusto mo pumunta ka dun sa may karnehan. Binibenta namen dito laruan hindi lalaking mapaglalaruan." Sarkastikong sagot ni Ayesha.

Dahil sa sinabing yun ni Sha umalis na rin agad yung gustong bumili kina Curfiel.

"Next!!" Sigaw ni Ayesha.

"Ate Ganda!!!" Sabi ni Diael habang kinakalabit yung laylayan ng damit ko.

"Why Diael? Are you hungry." I asked him at lumuhod ako para mas makausap ko siya ng maayos.

"Nope, I'm not hungry! I just want to see you beside kuya Fiel." He answered then he held my hand and we ran toward Curfiel.

"Hello po! She is my mommy!" Pasigaw na sabi ni Diael sabay turo saken..
"And he is my daddy..." Sabay yakap sa tuhod ni Curfiel at nakatingala pa yung bata sakanya.

Sinabi yun ni Diael sa mga babaeng nakapila para sa free hug.

"If you want to hug my daddy-- wag na ako na lang. I dont want to let mommy get jealous." Dagdag pa ni Diael at lahat ng mga nakapila ay napalingon papunta sakanya.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now