Chapter 22: Inner Bliss

1.3K 34 0
                                    

Chapter 22: Inner Bliss

*Curfiel's POV*

Nandito na kami ngayon sa isang mall para bumili ng mga groceries, paubos na rin naman kasi yung mga pagkain namin sa loob ng ref. dahil kay Mongol ako pa tuloy ang bibili ng mga yun. Akala ko, alipin ko siya e' ako ang mas nahihirapan pagkasama siya, lalo na kanina nangalay pa ako sa jeep dahil sa pagkandong niya sakin. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

"Ano ba Curfiel yung mga bibilhin mo?" tanong ni Mongol.

"Mag-go-grocery ka ba?" she asked another question habang nakatingala sakin.

Nakakaasar na siya kanina pa!

Ako ba naman yung bumili ng mga fncking sh*t na sinusuot nang mga babae, pasalamat talaga siya at naawa ako sakanya. Ayoko siyang iwan na gano'n ang kalagayan.

"Oo, wala na kasing laman yung ref. inubos mo na, ilang beses ka kasing umulit ng pagluto. Kaya kasalanan mo 'to." I answered angrily.

"Sorry, hindi ko naman kasi alam na hindi ka pala kumakain ng isda." saad niya habang nakasad face. Hindi niya ako madadala sa pacute niya.

"Pwede ikaw na lang ang pumili ng mga bibilhin? Tutal ikaw din lang naman ang may kasalanan." sabi ko sakanya.

Hindi naman kasi ako sanay na bumili ng mga kagaya nito, hindi ko alam kung bakit naisipan ng kapatid ko na maging punishment ko ang parati niya nang ginagawa. This is a rare kind of punishment from my sister.

"Sige, ok lang sakin." she hastily replied.

Naglakad na kami para makapili na nang mga bibilhin, ipapaubaya ko na lang lahat kay Mongol.

"Bata, bakit ka umiiyak?" tanong ni Mongol do'n sa batang lalaki na umiiyak sa isang tabi.

"Nawawala po kasi ako." sagot no'ng bata habang pinupunas ang kanyang mga luha.

"Sumama ka na lang samen, tapos hahanapin natin yung kasama mo. Sino pala kasama mo dito?" dahan-dahang sabi ni Mongol then she gave the child her sweetest smile.

"Si Mama po." sagot no'ng bata.

"Hahanapin natin ang mama mo, Ok ba yun?" tumango na lang yung bata tapos kinarga niya. Naisipan niya pa talagang tumulong Kahit nagmamadali na kami. Pambihira!

"Ano! isasama mo yang batang yan! Baka mapagkamalan tayong kidnapper." I exclaimed.

Ano bang naisipan niya at tutulungan niya pa ang batang yan, hindi niya naman kaanu-ano.

"Kawawa naman kasi siya." sagot ni Mongol habang pinupunas yung pawis no'ng bata.

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya sa iyaking bata.

"5 years old po Ate Ganda." at may tawag na agad siya kay Mongol ha'.

"Boyfriend niyo po ba si Kuya Pogi?" tanong no'ng bata kay Mongol.

"Sinong Kuya Pogi?" tanong rin ni Mongol.

"Siya po oh'" sagot no'ng bata habang tinuturo ako.

Kabata-bata niya pa alam niya na yung mga gano'n.

"Hindi ko siya boyfriend, sinamahan ko lang siya dito para bumili." she replied habang nakalapat ang kanyang palad sa ulo ng bata.

"Nakalimutan kong itanong, , ano palang pangalan mo?" magalang na pagkatanong sakanya ni Mongol.

Baliw talaga, ang dami nang sinabi tapos yung pagtanong ng pangalan kinalimutan.

"Diael po. Ibaba niyo na lang po ako, baka po kasi mapagod kayo." request no'ng bata.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon