Chapter 19: Euphoria

1.2K 33 2
                                    

Chapter 19: Euphoria

*Curfiel's POV*

"Curfiel!!" my sister called while she was knocking on the door repeatedly at mga ilang katok pa ay binuksan na niya ang pinto.

"Ito na 'yong pagkain mo, buti naman at nakapagpalit ka na ng damit mo." sabi niya at inilagay na yung dala niyang pagkain malapit saken.

"Nasa'n si Mongol? umuwi na ba?" tanong ko sakanya.

"Kumakain lang siya sa baba."

"Sina Xandro, Jao, at Brett nando'n rin ba sa baba?" tanong ko ulit.

"Pagdating ko wala na sila. Si Hershien na lang yung naabutan ko."

Lumabas na si Ate sa aking kwarto at nagsimula na rin akong kumain.

Saan kaya pumunta yung tatlo? Isinama rin siguro nila yung kaibigan ni Mongol. Kahit kailan talaga hindi sila naging seryoso sa mga babae kahit girlfriend pa nila. Hindi ko na nga mabilang yung mga babaeng pinaiyak nila ng sabay-sabay. Magkaka pareho ang mindset nila.

Ako? Hindi ko naman ugali ang magpaiyak ng mga babae, nirerespeto ko sila kahit alam kong mahihina sila, isa sa kanila ang nagbigay nang panandaliang saya sa magulo at walang kwenta kong mundo. Sabi nga ni Ate, "Euphoria" daw -> a feeling of great happiness or ecstacy for short time only. Euphoria kasi hindi natupad yung pangarap ko na mag-kasama kami ng matagal na panahon. Bakit ba kasi ganito? hindi man lang ako nakaranas ng buhay kagaya sa isang normal na tao.

Buti na lang kahit papa'no bumabalik na naman yung EUPHORIA dahil kay Mongol. Euphoria pa rin kasi alam ko magkakahiwalay din kami pagkalipas ng isang buwan, bawas na nga ang isang buwan na yun eh'.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? hindi ko maipaliwanag...

"Curfiel, tapos ka na bang kumain?" tanong ni Mongol , hindi pa naman siya pumapasok sa kwarto ko.

I just shook my head no'ng narinig ko si Mongol upang makabalik ako sa katinuan ko.

Kumakain ako habang iniisip ang mga bagay na yun? ano 'tong nangyayari saken? sh*t!!

"Oo tapos na'ko!" I shouted tapos marahan ng pumasok  si Mongol sa loob ng silid ko.

"Kukunin ko na po yung pinagkainan niyo." sabi niya habang nakatingin sa plato ko.

"Wait, ubos ko lang saglit. Kaunti na lang to."  mas binilisan ko pa nga ang pag subo at pagnguya para makaalis na siya.

Nang maubos ko iyon ay kinuha na ni Mongol ang mga pinagkainan ko at lumabas na rin agad.

"Bumalik ka dito ha!!" sigaw ko pero nakalabas na siya ng pinto, hindi ko alam kung narinig niya ba ako o hindi na.

*Makalipas ang ilang minuto*

May kumatok sa pinto.

"Ano pa po ba ang kailangan niyo Curfiel?" tanong ni Mongol at pumasok na siya sa kwarto ko, nakangiti at parang nag-aantay ng mga sasabihin ko.

"Ah wala, gusto ko lang naman ng makakausap."

"Naboboring ka dito 'no?" tanong niya pero hindi na ako sumagot.

Naglakad na si Mongol papalapit sakin at naupo sa sofa malapit sa may kinahihigaan ko.

"Curfiel can I ask?" tanong ni Mongol habang nakaupo at hawak-hawak yung maliit na unan na nakalagay sa sofa.

"Nagtatanong ka na di ba? Sige itanong mo nang lahat na gusto mong itanong." maarteng pagkakasabi ko sakanya.

"Ano ba yung tungkol sa Mafia? yung sinabi no'ng babae kanina." paguusisa niya.

The Seven Princes of MafiaKde žijí příběhy. Začni objevovat